^

Bansa

‘Chinese mafia’ na gumagamit ng special Philippines visa nakakaalarma – Binay

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
‘Chinese mafia’ na gumagamit ng special Philippines visa nakakaalarma – Binay
Sen. Nancy Binay.
STAR / File

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Senador Nancy Binay sa Philippine Retirement Autho­rity (PRA) na mahigpit na suriin ang mga aplikasyon ng visa matapos lumabas na humigit-kumulang sa 30,000 sa 78,000 dayuhang retirees sa Pilipinas ay mga Chinese na pinayagang permanenteng manirahan sa bansa.

Ayon kay Binay, iniulat ng mga opisyal ng imigrasyon ang umano’y “Chinese mafia” na gu­magamit ng mga pasaporte na may special resident retiree visa (SRRV).

Inihayag ng Bureau of Immigration nitong nakaraang linggo na inaresto nito ang apat na Chinese national na pinaghihina­laang nasa likod ng paglaganap ng mapanlinlang na “government-issued IDs” at mga  dokumento ng gobyerno kabilang ang mga tunay na pasaporte ng Pilipinas na may mga kuwestiyonableng SRRV.

“Nakakabahala talaga dahil ang mga dayuhang ito ay pumasok at lumabas ng bansa gamit ang mga valid na dokumento na alam nating nakuha sa pamamagitan ng mga bawal na paraan. Inaasahan namin na tutulong ang NICA na masuri ang laki ng pandaraya na ginagawa ng mga sindikatong ito, at suriin ang mga address at contact number na nakalagay sa kanilang ‘valid’ documents,” ani Binay.

Ayon sa senador, matagal nang pinagsasamantalahan ang pag-iisyu at pag-renew ng special resident retiree visa, at idinagdag na ang mga sindikatong Chinese ay malamang na nakipagsabwatan, nagpapanatili ng ugnayan at nagtatag ng mga network sa loob ng burukrasya ng gobyerno.

Noong nakaraang taon, inaresto ng National Bureau of Investigation ang isang mataas na opisyal ng PRA dahil sa pag-iisyu ng unwarranted SRRV cards sa mga dayuhan.

Natuklasan ng BI ang ilang kaso ng mga dayuhang nagpapanggap na Pilipino sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang mga dokumento ng Pilipinas, at mga tunay na selyong pang-imigrasyon.

“Ang dumaraming bilang ng mga interceptions ng mga Chinese national na nagpapakita ng tunay na government-issued Philippine documents na nagpapakilala sa kanila bilang mga Filipino traders o retirees ay naging isang national security concern,” sabi pa ni Binay.

PRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with