Romualdez umangat trust, satisfaction ratings – survey
![Romualdez umangat trust, satisfaction ratings � survey](https://media.philstar.com/photos/2024/04/03/a28_2024-04-03_21-34-38.jpg)
MANILA, Philippines — Tanging si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga pinakamataas na opisyal ng bansa ang nagkaroon ng pagtaas sa trust at satisfaction ratings batay sa resulta ng survey ng Tangere.
Ayon sa survey ng Tangere noong nakaraang buwan, nakapagtala si Speaker Romualdez ng 52 porsyentong pagtaas sa trust rating mula sa 51 porsyento noong Pebrero.
Ang satisfaction rating naman ng lider ng Kamara ay nakapagtala ng 41 porsyentong satisfaction rating tumaas ng isang porsyento kumpara sa survey noong Pebrero.
Nakakuha ng pinakamataas na rating si Romualdez sa Visayas region sa parehong trust at satisfaction ratings.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 2,000 respondents. Mayroon itong margin of error na +/- 2.2 porsyento at confidence level na 95%.
Sa kaparehong survey nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng 54% trust at 41% satisfaction samantalang si Vice President Sara Duterte ay nakapagtala ng 64% trust bumaba ng 4%, at 54% satisfaction bumaba ng 54 porsyento.
- Latest