^

Bansa

'Downward trend': COVID-19 cases 35% ang ibinagsak nitong 2 linggo

James Relativo - Philstar.com
'Downward trend': COVID-19 cases 35% ang ibinagsak nitong 2 linggo
A woman receives ash as she attends a mass in observance of the Ash Wednesday at a church in Manila on February 14, 2024.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Positibong ibinalita ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 influenza-like illness (ILI) nitong mga nagdaang linggo at taon — bagay na titigil raw sa paglobo sa susunod na buwan. 

Sa press release ng DOH ngayong Biyernes, sinabing nasa 661 new COVID-19 cases lang daw ang naitala sa pagitan ng ika-6 hanggang ika-12 ng Pebrero. Katumbas ito ng average na 94 kaso araw-araw.

"This is 35% lower compared to the average number of daily cases recorded last January 30 to February 5," wika ng DOH.

"Out of the new cases reported, 7 had severe or critical disease. Only 2 deaths were recorded, both of which occurred in the recent 2 weeks (January 30 to February 12)."

Samantala, nasa 16,144 na ILI cases ang naitala mula ika-1 ng Enero hanggang ika-3 ng Pebrero.

Mas mababa ito ng 19% kumpara sa 19,935 ILI cases na naiulat sa parehong panahon noong 2023. 

Kung ikukumpara naman ang mga ILI cases mula ika-24 ng Disyembre hanggang ika-6 ng Enero (8,199 cases) sa ika-7 hanggang ika-20 ng Enero, papatak na nasa 10% ang naging decrease.

"This number has gone down further to 4,487 cases, recorded from January 21 to February 3, 2024. The numbers may change as there may be late consultations and reports,"

"At a regional level, Regions I, IV-B, XII, Caraga, and BARMM showed case increase in the recent 3-4 weeks (January 7 to 20, 2024), reporting 266 to 967 new cases in the recent 4 weeks."

"Nine deaths have been reported from January 1-February 3, 2024 resulting to a case fatality rate (CFR) of 0.06% for 2024."

Ikinatutuwa ng DOH ang ipinakikita sa ngayong good respiratory hygiene gaya ng pagtatakip ng ubo, paghuhugas ng kamay at pag-uwas sa malalaking kumpol ng tao upang matiyak ang airflow at ventilation.

Mainam din aniyang manatili lang sa bahay ang mga masama ang pakiramdam o hindi kaya'y magsuot ng mask kung kakailanganin talagang lumabas.

Huling naitala sa 4.14 milyon ang mga nahawaan na ng COVID-19 simula nang makapasokk ito sa Pilipinas noong 2020. Sa bilang na 'yan, sinasabing 66,864 na ang namamatay.

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with