Pangulong Marcos sa Chinese New Year: Pagnilayan mga nagawa sa 2023
MANILA, Philippines — Kasabay sa pagdiriwang ng Chinese New Year, hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino na magnilay sa mga accomplishments ng nakaraang taon.
“This occasion brims with infinite opportunities as we gather to pay homage to the heritage of the dragon, a timeless symbol of power, wisdom and courage,” pahayag ni Pangulong Marcos sa Filipino-Chinese community.
Umaasa ang Pangulo na ang mga nakamit na tagumpay noong 2023 ay makakamit din ngayong taon.
Bukod dito, pinaalalahanan din niya ang bawat isa na gawing reyalidad ang mga pangarap.
“I urged everyone to embrace the spirited heartbeat of the dragon’s real, knowing that the limitless horizon of this Year of the Dragon brings endless possibilities,” sinabi pa ni Pangulong Marcos.
- Latest