^

Bansa

Top government officials umiskor sa RPMD annual review

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Top government officials umiskor sa RPMD annual review
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. leads the awarding of incentives to the medalists of the 4th Asian Para Games at the Heroes Hall in Malacañang Palace on January 24, 2024.
Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Umiskor sina Pangulong Bongbong Marcos Jr., Vice President Sara Duterte, Senate President Migz Zubiri at House Speaker Martin Romualdez sa 2023 annual performance report ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Ayon kay Dr. Paul Martinez, Global Affairs Analyst at Executive Director ng RPMD, ang “Boses ng Bayan” independent at non-commissioned survey ay tumutok sa pangkalahatang persepsyon ng publiko sa indibidwal at kolektibong pagganap ng mga opisyal, kabilang ang kanilang kahusayan sa pamamahala ng bansa, pagpapatupad ng mga patakaran, at pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Nakakuha si Pangulong Marcos ng overall score na 80% at trust rating na 83%.

Si VP Sara ay nakakuha ng performance score na 78% at trust na 80%.

Samantala, si Zubiri ay nakatanggap ng 78% trust at 75% job approval ratings. Ang kanyang pamumuno ay nag-ambag sa kasiyahan ng mga Pilipino sa Senado, na may 78% satisfaction score at isang mataas na trust rating na 80%.

Nakatanggap naman si House Speaker Martin Romualdez ng satisfaction na 77% at 79% trust. Ang House, sa ilalim ng kanyang pamamahala ay nakakuha ng 73% satisfaction at 75% trust.

Ang nationwide survey, na isinagawa mula Disyembre 27, 2023, hanggang ­Enero 5, 2024, ay nilahukan ng 10,000 adult Pinoys.

vuukle comment

MIGZ ZUBIRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with