^

Bansa

VP Duterte, Tulfo nangunguna sa 2028 presidential survey

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
VP Duterte, Tulfo nangunguna sa 2028 presidential survey
Vice President Sara Duterte
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nangunguna, sa ngayon, si Bise Presidente Sara Duterte-Carpio sa napupusan ng mga Pilipino para sa posisyon ng pagkapangulo sa darating halalang 2028, ayon sa resulta ng isang survey.

Sa "Philippine Public Opinion Monitor" ng WR Numero na isinapubliko nitong Huwebes, lumalabas na lyamado ngayon si Sara kumpara sa iba pang preferred candidate.

"WR Numero found that almost 36% of Filipinos would vote for the incumbent vice president if the 2028 presidential elections were held last December 2023," ayon sa public opinion research firm. 

"Senator Raffy Tulfo ranked as the second most preferred candidate at 23%, followed by former Vice President Leni Robredo at 9%."

 

 

Narito ang mga ranggo ng mga napili ng respondents matapos tanungin ng, "Kung ngayon ang araw ng 2028 National Elections, sino sa mga sumusunod na pangalan ang iboboto mo sa pagka-pangulo?":

  • Duterte, Sara: 35.6%
  • Tulfo, Raffy: 22.5%
  • Robredo, Leni: 9%
  • Marcos, Imee: 6.9%
  • Pacquiao, Manny: 5%
  • Padilla, Robin: 4.6%
  • Hontiveros, Risa: 1.2%
  • Romualdez, Martin: 0.8%
  • hindi sugurado o wala sa listahan: 14.3%

Ang harapang survey na ikinasa nitong Disyembre 2023 ay sumuri sa opinyon ng 1,457 Pilipinong nasa wastong gulang mula Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao. 

"The nationwide survey also revealed that Vice President Duterte emerged as the top choice of Filipinos who were first-time voters (43%), likely voters (33%), non-participating registered voters (38%), and unregistered eligible voters (28%)," sabi pa ng pag-aaral.

"She was also the preferred candidate of administration supporters (44%), those who identify themselves as independent (31%) and unsure (31%). The Vice President only ranked third among opposition supporters, after Tulfo (35%) and Robredo."

Hunyo 2023 pa lang ay si VP Duterte na ang lumalabas na nangunguna sa presidential survey ng Social Weather Stations.

Preferred candidate ng babae, lalaki, LGBT

Kung paniniwalaan ang survey, si VP Duterte rin kung sakali ang iboboboto ng botanteng kababaihan (35%), kalalakitan (36%), heterosexual (35%), LGBTQIA+ community (45%) at mga ayaw magbahagi ng kanilang kasarian (74%) kung ginanap ang eleksyon noong Disyembre.

Lumalabas din bilang pinakamataas sa voter preference ang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng age at income class groups:

  • 30-anyos pababa: 37%
  • 31 hanggang 59: 36%
  • 60 pataas: 30%
  • class ABC: 41%
  • class D: 36%
  • class E: 35%

Ganito rin ang naobserbahan para sa mga pamilyang tumatanggap ng remittances mula sa overseas Filipino workers (40%) at non-remittances recieving households (35%).

Pinakamataas ang kanyang voter preference sa Mindanao (57%), bagay na sinundan ng Metro Manila (39%), at Visayas. Sa kabila nito, pumangalawang pwesto lang siya (26%) sa nalalabing bahagi ng Luzon matapos manguna ni Tulfo (33%).

Ang dating presidential daughter din ang topc choice sa ngayon sa probinsya (33%) at mga sentrong lungsod (38%).

Bahagi ang lahat ng ito ng public opinion research initiative ng WR Numero na Public Opinion Monitor. Ilalabas ang kabuuan nito sa ika-30 ng Enero sa WR Numero
website (www.wrnumero.com).

"The nationwide survey has a ± 3% error margin at the 99% confidence level. A the sub-national level, the estimates for error margin are ± 9% for the National Capital Region, ± 5% for the rest of Luzon, ± 8% for Visayas, and ± 7% for Mindanao at a similar 99% confidence level," sabi pa ng grupo.

"No individual or entity, partisan or otherwise, has singularly commissioned the independent survey."

Una nang sinabi ni  Sara na siya'y tatakbo sa susunod na eleksyon habang hindi tinutukoy kung para saang posisyon. Gayunpaman, iginiit niyang hindi pa siya magbibitiw sa posisyon sa ngayon bilang bise at kalihim ng Department of Education (DepEd) kaugnay nito.

vuukle comment

NATIONAL ELECTIONS

PRESIDENT

RAFFY TULFO

SARA DUTERTE

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with