Ulat na inalis suspension order ni Dimalanta, fake news - Ombudsman
MANILA, Philippines — Fake news at walang ipinalalabas na lifting ang Office of the Ombudsman sa suspension order laban kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chair Monalisa Dimalanta.
Ayon sa Ombudsman, walang patunay nang pagtanggal sa suspension order ni Dimalanta at hawak nila ang mga dokumento kaugnay sa kaso nito.
Noong Agosto, nagpalabas ng kautusan ang Office of the Ombudsman ng 6 na buwang preventive suspension laban kay Dimalanta dahil sa kasong neglect of duty na naisampa dito ng electric consumers.
Nagsampa ng motion for reconsideration si Dimalanta kaugnay ng kaso pero ito ay inisnab lamang ng Ombudsman nitong October 1 dahilan sa umano’y may sapat silang hawak na basehan para lapatan ito ng suspension order.
- Latest