^

Bansa

DSWD: 166K burial assistance naipagkaloob ngayong 2024

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 166,000 burial assistance ang naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng ahensiya.

Ang naturang prog­rama ay upang patuloy na natutulungan ng DSWD ang mga mahihirap na Pilipino na maibsan ang kanilang gastusin para sa pagpapalibing ng yumaong kaanak.

Sa pamamagitan ng burial assistance na nakapaloob sa programa ng AICS ay natutulungan ang pamilyang namata­yan na makaagapay sa gastusin partikular na ng paglilibing.

“The DSWD helps grieving families in crisis situations through the provision of burial assistance under the AICS. This way, they can focus on celebra­ting the life and legacy of their departed loved ones, instead of worrying where they can get the funds to properly lay to rest their departed fa­mily members,” ayon kay  DSWD Undersecretary for Operations Monina Josefina Romualdez.

Batay sa record, mula January hanggang September 2024, nakapagtala na ang ahensya ng mahigit sa Php1.7 billion na burial assistance para  sa 165,907 clients sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Kasabay nito, nagpahayag naman ng taos pusong pakikiramay si DSWD Undersecretary Romualdez sa mga nasawi dulot ng pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa kung saan halos mahigit sa 100 katao ang naitalang namatay habang marami pa din ang naiulat na nawawala.

Anya, nakahanda ang ahensya na magbigay ng tulong at serbisyo sa mga kaanak ng mga nasawi sa bagyo sa pamamagitan ng AICS. Ang tulong ay nakabatay sa assessment ng mga social workers.

Sinabi  pa ni Undersecretary Romualdez na  maaaring gamitin ng beneficiaries ang DSWD issued Guarantee Letters (GLs) sa mga funeral parlors at memorial service providers  na may existing Memorandum of Agreement (MOA) sa ahensya.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with