Journalists hustisiya ang hanap sa ika-13 taong pagkamatay ni Gerry Ortega
MANILA, Philippines — Nababahala ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa itinatakbo ng kaso ng Palawan broadcaster at environmenal activist na si Gerry Ortega, na siyang pinatay eksaktong 13 taon na ang nakalilipas.
Ipinagkaloob kasi ng Korte Suprema kay dating Palawan Gov. Joel Reyes — ang idinidiing utak sa pagpapapatay kay Reyes — ang mosyong mailipat ang kanyang kaso sa Quezon City Regional Trial Court.
"NUJP laments a decision handed down by the Supreme Court granting Reyes' petition to transfer the ongoing trial of the case from Palawan to the Quezon City Regional Trial Court," wika ng grupo ngayong Miyerkules.
"We were surprised that this was done even as the latter remains in hiding, refusing to submit to the jurisdiction of the court where he was being tried. We strongly believe that there is no justifiable reason to transfer the case, and doing so will only prolong the trial that is already proceeding in earnest at the Palawan Regional Trial Court."
Enero 2011 pa nang barilin at mapatay si Ortega matapos ang kanyang morning radio sa dwAR-FM. Bago ito, nakatakda siyang tumukak ng Maynila para sa kanyang "Ten Million Signatures" campaign sa layuning ipagbawal ang mining operations sa probinsya ng Palawan
Kilala si Ortega para sa kanyang hard-hitting radio programs, bagay na dumulo pa sa ilang banta sa kanyang buhay simula pa 2009. Sinasabing matinding kritiko ni Reyes si Ortega.
Una nang itinuro ng ilang sumukong suspek na sina Reyes at kanyang kapatid na si Mario Reyes ang nasa likod ng pagpatay. Sa kabila nito, ilan sa mga naturang state witnesses ang kalaunang natagpuang patay.
"We ask the Office of the Solicitor General to appeal this latest Supreme Court decision so that the case may continue to be heard at the Palawan Regional Trial Court in the interest of a fair and speedy trial," patuloy ng NUJP.
"Each year that passes that the victim's family is denied justice pushes the brazen killing further from memory and makes closure to the case seem even more distant."
Taong 2023 nang ipag-utos ng korte na muling maaresto si Reyes para sa pagkamatay ni Ortega, matapos niya noong magtago-tago sa ibang bansa.
Patuloy namang namang ipinapanawagan ng grupo ang paghahanap ng katarungan para sa mga naulila ng naturang broadcaster, maliban pa sa pagtatapos ng "culture of impunity" laban sa mga media workers.
Inilalapit din sa ngayon ng NUJP kay Special Rapporteur Irene Khan na kilalanin ang naturang impunity, o kawalang panangutan, sa pagpatay Filipino journalists habang itinutulak ang ilang rekomendasyong magtitiyak ng accountability.
- Latest