^

Bansa

Pulis tanggal sa serbisyo kaugnay ng 'missing beauty queen'

James Relativo - Philstar.com
Pulis tanggal sa serbisyo kaugnay ng 'missing beauty queen'
Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon
Miss Grand Philippines via Facebook

MANILA, Philippines — Pinatawan na ng "dismissal from police service" si Police Major Allan Avena De Castro matapos lumabas ang ebidensya ng diumano'y extramarital affair sa nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.

Inanunsyo ito ni PBGEN Paul Kenneth T Lucas, regional director para sa CALABARZON Police, ngayong Huwebes sa isang press conference sa Calamba City, Laguna. 

"Police Major Allan Avena De Castro's dismissal serves as a significant step in ensuring that individuals entrusted with the responsibilities of serving and protecting our people are held accountable for their actions," ani Lucas.

"We remain committed to conducting fair and impartial investigations into any similar allegations of misconduct, regardless of our personnel’s rank or position."

"Hindi natin hahayaan na masangkot sa ano mang katulad na insidente ang ating mga personnel that will taint the image of the PNP especially here in the Police Regional Office CALABARZON."

 

 

Nilagdaan ni Lucas ang naturang order of dismissal nitong Martes matapos ang aniya'y masinsing imbestigasyon ng Regional Internal Affairs Service 4A sa admmninistrative case na inihain laban kay De Castro matapos ireklamo ng "conduct unbecoming of a police officer."

Nobyembre lang nang lumitaw ang dalawang saksi kaugnay ng pagkawala ng Miss Grand Philippines 2023 candidate. Sinasabing nakitang duguan si Camilon habang inililipat sa isang sasakyan bago tuluyang mawala.

Gayunpaman, inilinaw ng Police Regional Office 4A na ang dismissal ni De Castro ay hiwalay pang administrative action mula sa criminal investigation kaugnay ng pagkawala ni Camilon.

Humaharap pa si De Castro sa isa pang administrative case kaugnay ng criminal charges ng kidnapping with serious illegal detention.

"The legal process will continue to unfold, and updates will be provided to the media and the public as necessary," patuloy ni Lucas.

"His dismissal from the service underscores the commitment of the command in maintaining the highest standards of conduct and integrity within our ranks. This reflects our dedication to transparency, accountability, and upholding the principles of justice."

Una nang tiniyak ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na hindi magkakaroon ng "whitewash" sa imbestigasyon ng pagkawala ni Camilon, kahit na pulis ang isa sa mga tinitignan ngayon bilang isa sa mga persons of interest.

BEAUTY QUEEN

MISSING PERSON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with