^

Bansa

PNP tutulong sa paghahanap sa nawawalang kandidata ng Miss Grand Philippines 2023

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP tutulong sa paghahanap sa nawawalang kandidata ng Miss Grand Philippines 2023
Catherine Camilon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa silang tumulong sa paghahanap sa nawawalang Miss Grand Philippines 2023 Candidate na si Catherine Camillon.

Ayon sa PNP, hinihintay lamang nila ang pagdulog ng pamilya ni Catherine upang maimbestigahan din ang kaso.

Kinatawan ni Catherine ang Tuy, Batangas sa Miss Grand Philippines 2023, subalit itinanghal na nanalo sa nabanggit na pageant si Nikki de Moura ng Cagayan de Oro.

Si Catherine, 26, ay isang public school teacher.

Batay sa pahayag ng pamilya ni Catherine, huli itong nakontak noong Oktubre 12 bandang alas-8 ng gabi.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito nakakausap at nanatiling naka-off ang cellphone.

Nag-alala ang pamilya ni Catherine nang hindi na ito nag-message kinabukasan samantalang regular itong nagte-text sa pamilya.

Bagama’t anim na araw nang nawawala si ­Catherine, umaasa ang pamilya nito na ligtas ito at uuwi sa kanilang bahay.

Biyernes nang mag-post sa Facebook ang kapatid ni Catherine na si Chin-Chin ng panawagan sa kaibigan at posibleng kasama nito.

Ibinahagi rin ng pamilya ang gamit na sasakyan ng kandidata na Nissan Juke na may plate number NEI 2990 bago ito nawala.

“Lord, please help us find my youngest child,” she wrote in Filipino in a post. “Please keep her from any harm,” panalangin naman ng ina ni Catherine.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with