^

Bansa

Gobyerno: 'Imposible' P50 minimum jeepney fare dahil sa PUV modernization

James Relativo - Philstar.com
Gobyerno: 'Imposible' P50 minimum jeepney fare dahil sa PUV modernization
Traditional transport jeepneys wait for passengers at a terminal on Pedro Gil Street corner Agoncillo Street in Manila on January 2, 2024.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pangamba ng ilang grupo na sisipa nang husto ang pamasahe sa jeepney buhat ng PUV Modernization Program.

Kamakailan lang nang sabihin ng IBON Foundation at Commuters of the Philippines na posibleng sumirit sa P45 hanggang P50 ang minimum na pasahe sa jeep dahil sa kontrobersyal na programa, bagay na maaari raw mangyari sa loob ng limang taon.

"Napakalayo po ng P15 sa P50. Ang ganyang nilulutang ng commuter group ay walang katotohanan," wika ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III sa isang pahayag, Huwebes.

"That’s statistically impossible na mag-impose ang modern jeepneys ng ganyang ka-exorbitant na pasahe."

Kasalukuyang nasa P13 ang minimum na pamasahe sa mga tradisyunal na jeepney habang nasa P15 naman ang sa mga modernong minibuses o e-jeeps.

Una nang sinabi ni IBON Foundation executive director Sonny Africa na posibleng sumipa ang mga pamasahe upang mabawi ang milyun-milyong magagastos ng mga transport operators kada unit sa ilalim ng public utility vehicle (PUV) modernization program.

Inahalintulad din nila ang corporatized nature ng PUVMP sa nangyari noong isinapribado ang sektor ng tubig, bagay na nagpasipa raw nang husto sa mga presyo.

"Where are they getting their data? Pinag-aralan ba nila iyan? You just can’t blurt out things like that," dagdag pa ni Guadiz.

"Noon pa man ay binabalanse na ng LTFRB ang pangangailangan ng mga tsuper at komyuter kapag tumataas ang presyo ng petrolyo. Kaya naman ho, walang lohika ang sinasabi nilang P50 na pamasahe sa loob ng limang taon. Statistically impossible ho talaga iyon."

'Dadaan sa LTFRB ang fare petitions'

Idiniin naman ng DOTr na presyo ng krudo ang gagawing primaryang konsiderasyon pagdating sa pagpapatupad ng anumang taas pamasahe.

"Fare increase petitions are always subject to the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) enbanc deliberation," ani Transport Secretary Jaime Bautista kahapon.

"It will also require NEDA opinion as to the inflationary effect of any increase as well as giving due consideration to affordability of the commuting public."

 

 

Dagdag pa ni Bautista, halos hindi nagbago ang P2 itinaas ng pamasahe simula nang umarangkada ang PUVMP dahilan para idiing "walang batayan" ang projection na P50 fare.

Matatandaang nasa P9 ang minimum na pamasahe sa mga tradisyunal na jeep habang P11 naman ito noong magsimula ang PUVMP noong 2017.

Sa ilalim ng PUVMP, kakailanganing magkonsolida ng mga tradisyunal na jeep at UV Express papasok ng mga kooperatiba o korporasyon bago sumapit ang ika-1 ng Enero, 2024.

Ang mga makapagkokonsolida ay papayagang pumasada ng 27 buwan. Matapos nito ay kakailanganing magtransisyon sa mga "eco-friendly" vehicles, bagay na maaaring umabot ng hanggang P2.8 milyon.

Hanggang ika-31 ng Enero na lang papayagang pumasada ang mga hindi pa nakapagkokonsolida, dahilan para mawalan ng trabaho ang 140,000 tsuper at 60,000 operator ayon sa mga progresibong grupo.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

JEEPNEY PHASE OUT

PUBLIC UTILITY VEHICLE

PUV MODERNIZATION PROGRAM

UV EXPRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with