Thanksgiving Procession sa Quiapo ngayong Sabado
MANILA, Philippines — Uumpisahan ng isang thanksgiving procession ngayong Sabado ng gabi sa Quiapo ang selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno bago ang pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion.
Sa anunsyo ng Quiapo Church, nasa 33 misa ang isasagawa mula ngayong Sabado hanggang sa Enero 9, 2024.
Iikot ang prusisyon sa paligid lang ng Minor Basilica ng Black Nazarene o ang Quiapo church.
Mula Disyembre 31 hanggang Enero 8, 2024, mapapakinggan din sa Radio Veritas ang “Misa Nobenaryo” o novena mass.
Magkakaroon din ng “village visitation” mula Enero 1-6, blessing ng mga replica ng Nazareno at prusisyon sa Enero 3 at 4 dakong ala-1:30 ng hapon.
Sa Enero 6, alas-6 ng gabi, magkakaroon ng misa para sa mga volunteers at susundan ng “Pahalik” dakong alas-7 ng gabi sa Enero 8 sa Quirino Grandstand.
Magkakaroon rin ng “Panalangin sa Takipsilim” sa Enero 8 alas-5:30 ng hapon at iba pang programa.
Isang Fiesta Mass ang isasagawa sa hatinggabi ng Enero 9 na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
- Latest