^

Bansa

Maaga pa para magdiwang sa 95.8% employment rate – mambabatas

Philstar.com
Maaga pa para magdiwang sa 95.8% employment rate – mambabatas
Kuga ng isang job fair.
File

MANILA, Philippines – Bagama’t pumalo sa 95.8% ang employment rate ng Pilipinas — na pinakamataas sa loob ng 18 taon — hindi pa umano tapos ang trabaho ng gobyerno, ayon sa isang mambabatas.

Kasunod ng inilabas na October 2023 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), pinuri ni Bulacan 6th District Rep. Salvador Pleyto ang Marcos administration sa pagiging “driving force” tungo sa mas malakas na ekonomiya.

Sinabi ni Pleyto na siniguro ng mga polisiya ng Malacanang na ang mga bunga ng economic growth sa ilalim ng kanyang administrasyon ay mapakikinabangan ng milyon-milyong Pilipino.

Binigyang-diin din ng mambabatas ang “record-breaking” unemployment rate ng bansa na bumaba sa 4.2%, at sinabing sa lahat ng economic indicators, ang job figures ang “pinakamahalaga”.

“Sino ba naman ang hindi magagalak sa 95.8% na employment rate noong Oktubre, na siyang pinakamataas sa loob ng 18 taon? Nilampasan nito ang dating pinakamataas na employment rate na naitalaga noon pang Abril ng taong 2005,” sabi Rep. Pleyto, miyembro ng House Agriculture and Food Committee.

“Sa lahat ng mga economic indicators, ang job figures ang pinakamahalaga. Sapagkat anumang paglago ng ekonomiya ay magiging makabuluhan lamang kung ma  kasabay na pagdami ng trabaho,” aniya. 

Ayon kay Pleyto, na miyembro rin ng House Overseas Workers Affairs Committee, dahil dito ay mahihimok ang  overseas Filipino workers (OFW) na bumalik sa bansa at maghanap ng oportunidad dito.

Subalit sinabi niya na masyado pang maaga para sa magbunyi, binigyang-diin na marami pang hamon na kakaharapin ang Marcos administration.

“Hatid man ay tuwa ng ganitong balita, hindi pa tapos ang ating sinumpaang gawain. Kailangan nating lumikha pa ng maraming trabaho hindi lang para doon sa mga naghahanap nito, pero doon sa mga bagong pasok sa lakas paggawa,” ani Pleyto.

“Kailangan may naghihintay ne empleyo sa mga bagong graduate ng ating mga paaralan, at doon sa mga OFW na gustong i-alay ang talinong kanilang nalikom sa kanilang sariling bayan naman,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa mambabatas mula sa Bulacan, dapat laging tiyakin ng  Marcos administration na ang paglikha ng trabaho ang nangunguna at nasa sentro ng socioeconomic agenda nito para mahikayat ng kultura ng “sipag at talino” sa mga Filipino worker.

“Ito ang pangunahing misyon ng pamahalaan, ang palaguin ang ekonomiya upang ito naman ay makapaglikha ng maraming trabaho sa mga Pilipinong may sipag at talino,” aniya. 

“Kaakibat nito ang mahalagang papel ng ating sistema ng edukasyon at manpower development na syang binubuhusan nating ng atensyon, sa paniniwala na anumang investment sa paghubog ng isang skilled national talent pool ay lilikha ng kaginhawaan para sa lahat.”

EMPLOYMENT RATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with