^

Bansa

‘No ceasefire, no pre-conditions’ sa Philippines exploratory talks sa komunista

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) na walang preconditions at walang ceasefire na itinakda sa exploratory talks sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng komunista.

Sinabi ni OPAPRU Presidential Assistant Wilben Mayor na ang exploratory talks ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ay isang bagong prosesong pangkapayapaan at hindi pagpapatuloy ng mga nakaraang pag-uusap.

“Ang pag-uusap na ito’y bago, walang pre-condition. Hindi natin nire-refer kung ano mang dating pinag-usapan. Bago po ito, hindi po ito tinatawag na resumption talks. Kundi bago. Lahat ng detalye, kung ano pang dapat pag-usapan ay sa susunod na pagkikita po,” ani Mayor.

Nilinaw din ni Mayor na magpapatuloy ang anti-insurgency operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang pagpapanatili ng peace and order ng Philippine National Police (PNP) sa gitna ng exploratory talks.

“Ang bawat ahensya ng pamahalaan ay tuluy-tuloy, ang kanilang dapat gawin, wala pong dapat itigil dito at kagaya ng nabanggit ko kanina, this is a new discussion, a new dialogue, walang pre-condition at simula tayo sa isang bagong pag-uusap,” dagdag niya.

Kamakailan ay nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at CCP-NPA-NDF sa isang mapayapang paglutas ng armadong tunggalian gayundin ang pagwawakas ng mga armadong pakikibaka at pagbabago ng mga dating rebelde na gustong bumalik sa batas.

Pinarangalan din ni Mayor ang AFP at PNP sa kanilang sama-samang pagsusumikap at sakripisyo upang makabuo ng kasunduan sa CCP-NPA-NDF, na naglalayon aniya na isulong lamang ang kapayapaan at kaayusan sa Pilipinas.

Binigyang-diin din ng opisyal ng OPAPRU na ang whole-of-government at ang whole-of-nation approach ay may mahalagang papel sa pagbuo at proseso ng bansa dahil hindi aniya uunlad ang isang bansa kapag walang kapayapaan at kaayusan.

OPAPRU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with