^

Bansa

Muling 'pangungulelat' ng Pilipinas sa math, reading at science ikinadismaya

James Relativo - Philstar.com
Muling 'pangungulelat' ng Pilipinas sa math, reading at science ikinadismaya
Children are seen wearing costumes to represent different countries during a school activity celebrating United Nations Day ahead of its anniversary on October 24, at an elementary school in Paranaque on October 23, 2023.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Ikinadismaya ng ilang guro at education advocates sa mababang ranking ng mga estudyante sa Pilipinas sa asignaturang math, reading at science — bagay na matutugunan daw ng sapat na pagpa-prayoridad.

Kamakailan lang nang ilabas ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) ang Program for International Student Assessment (PISA) 2022, kung saan napag-alaman ang ranggo ng mga Filipino students kumpara sa 81 bansang lumahok:

  • mathematics: ika-6 sa pinakamababa
  • reading: ika-6 sa pinakamababa
  • science: ika-3 sa pinakamababa

"The Alliance of Concerned Teachers support broad-based initiatives for genuine education sector reform. The education crisis can be resolved if we listen to education sector stakeholders," ayon sa ACT kahapon.

"Malinaw ang solusyon: unahin ang pangangailangan ng mga estudyante at guro. Upgrade teachers' salaries now! Fill all gaps in materials and facilities!"

 

 

Nangyayari ang lahat ng ito ngayong nakaupo bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) si Bise Presidente Sara Duterte, kahit na hindi naman siya guro.

Ine-evaluate ng PISA ang literacy ng mga 15-anyos kada tatlong taon simula pa noong 2000. Matatandaang Pilipinas ang nakakuha ng may pinakamababang scores sa reading comprehension pagdating sa 79 lumahok dito noong 2018.

'Magtalaga ng lisensyadong guro sa DepEd'

Para naman sa Philippine Business for Education (PBEd), ang mababang ranking ng Pilipinas sa ikalawang pagkakataon ay pagpapakitang nasa "worst state" ang sistema ng edukasyon, bagay na dapat daw kumpunihin.

"The poor performance of our learners is not just a problem of education alone, but our country as a whole," sabi ng PBEd ngayong Miyerkules.

"The weaknesses in our basic education system will eventually translate into the weakness of our workforce, affecting the productivity and key source of our economic growth and competitiveness."

Aniya, nangangailangan ng mabilis at matinding pagsusumikap sa lahat ng sekto para harapin ang krisis. 

Sa kabila nito, positibo naman daw na wine-welcome ng grupo ang patuloy na paglahok ng Pilipinas sa large-scale international learning assessments lalo na't nabibigyan daw nito ang bansa ng mga panukat pagdating sa epekto ng COVID-19 pandemic sa edukasyon.

"Now more than ever, the PISA results show the dire need of Filipino learners of our full support," patuloy pa nila.

"The state of education in the Philippines demands immediate attention, collective effort, and a commitment to improvement so we can give our children the best learning experience that they deserve."

Ilan sa mga rekomendasyong inilatag ng PEdCom - People's Education Commission kahapon, magandang magawa ang mga sumusunod upang matugunan anng problema:

  • resolbahin ang lahat ng kakulangan sa instructional materials (textbooks), silid-aralan, atbp. ngayon din
  • pagtataas ng sahod ng mga guro para pumantay sa international standards
  • paggamit ng Filipino atbp. wikang Pinoy bilang pamamaraan ng pagtuturo ng matematika, agham at pagbabasa
  • pakikinig sa education sector stakeholders lalo na sa mga guro
  • pagtatalaga ng DepEd secretary na may teaching license at education sector experience

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION

MATHEMATICS

PHILIPPINES

READING

SCIENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with