^

Bansa

MMDA nag-sorry matapos ibalitang lumabag si Revilla sa EDSA bus lane policy

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Humingi ng tawad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kay Sen. Bong Revilla matapos unang ibalitang lumabag diumano ang pulitiko sa pinaigting na exclusive EDSA Carousel Bus Lane policy.

Ito ang sinabi ng MMDA dalawang araw matapos itaas ng ahensya sa hanggang P30,000 ang multa sa mga 'di otorisadong sasakyang gumagamit ng lane para makatakas sa trapik. Ang parusang ito ay maliban pa sa posibleng pagka-revoke ng driver's license.

"The Metropolitan Manila Development Authority will investigate the incident that happened this morning during our operations on the implementation of the EDSA Bus Carousel Lane regulation which implicated the name of Sen. Bong Revilla, Jr.," wika ng MMDA ngayong Miyerkules.

"Likewise, the agency wanted to extend our apologies to the Senator pending the investigation."

Una nang naibalitang isang "artistang" senador ang nahuling dumaan diumano sa naturang bus lane sa bansang Mandaluyong City. Pinadaan lang daw ang sasakyan nang masita at hindi na tinikitan.

Umani ng matinding batikos online si Revilla matapos kumalat ang balita lalo na't tila mismong gobyerno opisyal pa ang pasaway. Gayunpaman, nanindigan ang MMDA na totoong opisyales ng gobyerno ang nasita.

"Based on our CCTV footage, the license plate of the flagged down vehicle is protocol plate, and we are probing why the name of the Senator was being involved," dagdag pa ng ahensya.

'Bawasan ko kayo ng budget eh'

Nanggalaiti naman si Revilla matapos matanggap ang balita, lalo na't nasa probinsya raw siya ng Cavite ngayon habang pinaparatangang lumalabag ng batas trapiko sa Metro Manila.

"Medyo unfair ata 'yung ginawa ng MMDA na 'yan. Paano ako napunta ng EDSA, paano ako napunta riyan? If ever na tayo'y tutungo ng QC ang dinadaanan natin ay Skyway. So imposible," sabi niya sa panayam ng DZRH.

"Kahapon nasa Senado po ako hanggang madaling araw... Hindi tayo napadpad sa lugar na 'yan... Sana kung totoo, [okey lang eh.]"

"Ipapatawag ko itong MMDA at ipare-recall ko 'yung budget nila kung sila'y tapos na. Pagpapaliwanagin ko lang sa Senate at napaka-unfair 'yung ganito. Dapat nave-verify nila nang mabuti."

Aniya, nakagugulat ang inilabas na pahayag ni MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija.

Depensa naman ni Nebrija sa panayam ng Kapihan sa Manila Bay, bumase lang siya sa sinabi ng isa sa mga MMDA officers na nakasakay si Revilla sa naturang pribadong sasakyan nang masita sa kalsada.

"Ayoko pong sabihin sa kanya [Revilla] talaga. It's just that noong pinara po namin 'yung convoy, 'yon po ang inirason. Kay Sen. Bong Revilla [daw]... I made the decision to let him go," ani Nebrija.

"Ang nakakabahala lang rito, kung hindi kay Sen. Bong Revilla 'yon, eh may gumagamit ng pangalan niya."

 

 

Aminado naman ang kanilang pamunuan na nakagawian na nilang palampasin lang ang mga senador o konggresista kung nasa sasakyan ang mga nahuhuli at pinalalampas na lamang.

Sino ba ang pwedeng dumaan diyan?

Ipinaalala naman ng MMDA na tanging ang mga sumusunod lang ang pinapayagang dumaan sa EDSA bus Carousel lane:

  • public utility buses
  • emergency vehicles
  • "clearly-marked" government vehicles na tumutugon sa emergency

Sa kabila nito, inirerekomenda na raw sa ngayon ng ahensya sa Department of Transportation (DOTr) ang pagpapalawig ng listahan para maisama ang:

  • presidente
  • bise presidente
  • senate president
  • speaker of the house
  • Supreme Court chief justice

Umabot na sa 155 ang lumalabag sa naturang protocol ngayong araw as of 11 a.m., ayon sa MMDA.

Matatandaang pumalo sa 514 motorista ang nag-violate sa naturang kautusan sa unang araw ng pagpapatupad nito. Ika-13 ng Nobyembre lang nang itaas sa P5,000 ang multa para sa first time offenders.

BONG REVILLA

EDSA

EDSA BUS CAROUSEL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TRAFFIC VIOLATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with