^

Bansa

Hanggang 20-M katao posibleng apektado ng Philhealth 'data breach'

James Relativo - Philstar.com
Hanggang 20-M katao posibleng apektado ng Philhealth 'data breach'
The hacking led to the posting of a fake announcement about supposed distribution of cash aid under the DSWD’s Sustainable Livelihood Program.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinangangambahang umabot sa 20 milyong miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang nadali sa nakaraang cyber attack laban sa gobyerno nitong Setyembre.

Ito ang ibinahagi ni Data Privacy Officer Nerissa Santiago sa isang press conference, Miyerkules, bagay na kaugnay pa rin ng "Medusa ransomware" attack. Matatandaang humingi ng higit P17 milyon ang hackers para burahin ang datos na kanilang nakuha.

Hindi ito binayaran ng gobyerno.

"For the members po, kung we're talking about the local work station, we're expecting a total of 13 [million] to 20 million names [have been leaked] po," ani Santiago kanina.

Malayo ang mga numerong ito sa unang estimang higit 1 milyong PhilHealth PINs mula sa senior citizens na kumpirmadong bahagi ng leaked database, ayon sa National Privacy Commission.

Oktubre lang nang ibalitang inilabas ng hackers ang nanakaw na datos sa online market places gamit ang Telegram, dahilan para magbabala ang grupong "Deep Web Konek" sa posibleng pagdami ng online scams kaugnay ng impormasyong kumalat.

Sa kabila nito, sinabi ni Santiago na inaanalisa pa nila ang datos dahil sa posibleng nagkaroon lang daw ng duplicates pagdating sa estimates nila sa ngayon.

"We were informed by the [Department of Information and Communications Technology] that the cause of the cyber attack is not from inside PhilHealth," dagdag pa ni PhilHealth executive vice president at chief operating officer.

"And there is high probability that it's even from outside the country. So the cyber attack did not come from inside [of PhilHealth]."

Tiniyak naman ni PhilHealth president at chief executive officer Emmanuel Ledesma Jr. na hindi kakailanganin ng state ensurer ng kontrobersyal na confidential fund para maprotektahan ang data ng kanilang ahensya.

Serye ng hacking

Ilang government websites na ang sunud-sunod na nakararanas ng kahalintulad na cyber attacks, gaya na lang ng Philippine Statistics Authority, House of Representatives, atbp.

Dahil dito, ilang mambabatas ang naghain ng resolusyon sa Kamara para maimbestigahan ang mga naturang opensiba sa government agencies.

Una nang sinabi ng National Privacy Commission (NPC) na iniimbestigahan na nila kung nagkaroon ng kapabayaan ng PhilHealth sa pagkalat ng pribadong impormasyon sa pamamagitan ng naturang atake.

Kamakailan lang nang maglabas ang NPC ng online tool para malaman kung nadamay sa PhilHealth data breach ang inyong impormasyon.

DATA PRIVACY

HACKING

NATIONAL PRIVACY COMMISSION

ONLINE SECURITY

PHILHEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with