^

Bansa

ASEAN countries tutulong sa pagpapauwi sa mga Pinoy sa Israel

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
ASEAN countries tutulong sa pagpapauwi sa mga Pinoy sa Israel
Israel's Iron Dome air defence system intercepts rockets launched from Gaza on October 11, 2023. Israel kept up its bombardment of Hamas targets in the Gaza Strip on October 11, as Prime Minister Benjamin Netanyahu and a political rival announced an emergency government for the duration of the conflict that has killed thousands.
AFP/Mahmud Hams

MANILA, Philippines — Tutulong ang mga bansang kasapi ng Southeast Asian Nations sa Pilipinas para sa pagpapauwi sa mga Filipino na naiipit sa gulo sa Israel.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, international approach ang gagamitng estratehiya sa pagresponde sa krisis dahil sa panggugulo ng militanteng grupong Hamas.

“The President also directed the Department of Foreign Affairs to contact other countries and also through the embassies in Manila to provide critical assistance in looking for Filipinos who are unaccounted for, and to help the Philippines in getting them out of Gaza,” pahayag ni De Vega.

Bukod pa dito, lumapit na rin umano ang ASEAN countries para ipahayag ang kanilang tulong, tulad umano ng Indonesia na bagamat wala silang citizen sa Gaza ay nag-alok ng tulong sa mga Filipino na nagnanais na umalis sa West Bank.

Samantala, kailangan naman umanong sumang-ayon ng Israel at Egypt sa humanitarian corridor para makadaan sa border ang mga Filipino at makalabas ng Gaza.

Sa ngayon, 92 Pinoy sa Gaza ang nais nang umuwi ng Pilipinas.

“And in the President’s words, what is critical now is Gaza and let’s keep exploring all possible exit options. You already know that he has met the Israeli ambassador who has promised that no civilians are being targeted,” ayon pa kay De Vega.

ASEAN

COUNTRIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with