^

Bansa

2 notoryus na tulak, tiklo sa P4.9 milyong shabu

Tony Sandoval, John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 notoryus na tulak, tiklo sa P4.9 milyong shabu
Sa Lucena City, kinilala ang naarestong suspek na si Frederick Apuya, alyas Eric, may-asawa, driver at residente ng Brgy. Ilayang Iyam.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng dalawang drug pusher sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Lucena City, Quezon at Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, kamakalawa.

Sa Lucena City, kinilala ang naarestong suspek na si Frederick Apuya, alyas Eric, may-asawa, driver at residente ng Brgy. Ilayang Iyam.

Isinagawa ang buybust operation sa Purok Maulawin, Brgy. Isabang sa lungsod na ito kamakalawa ng alas-9:20 ng gabi at nasamsam ang nasa P1.5 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu.

Sa bayan naman ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte ay naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police (PNP) ang abot sa P3.4 million na halaga ng shabu sa isang 16-anyos na binatilyo na suspek,kamakalawa ng hapon sa Brgy. Ungap,Sultan Kudarat.

vuukle comment

LUCENA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with