^

Bansa

Higit 1.5K HIV cases natukoy nitong Hunyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natukoy ng Department of Health (DOH) ang higit sa 1,500 bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) nitong nakaraang Hunyo sa buong bansa.

Nakapaloob ng pinakabagong ulat ng HIV/AIDS Registry of the Philippines, ang pagkakaroon ng 1,518 bagong HIV cases na iniulat nito lamang Hunyo 2023, kung saan tinataya na nasa 49 ang naitatalang average na kaso kada araw.

Sa mga natukoy na kaso, nasa 415 sa mga pasyente ay maroon nang advance na HIV infection sa oras ng kanilang ‘diagnosis’.

Nasa 94% o 1,429 sa mga pasyente ay mga lalaki habang 6% o 89 sa kanila ang mga babae.

Ayon pa sa DOH, ‘sexual contact’ ang pangunahing dahilan ng transmisyon o nasa 1,488 kaso. Nangunguna dito ang lalaki sa lalaking pagtatalik na may 1,063 kaso, nasa 217 ang kaso ng pagtatalik ng magkasabay ang lalaki at babae, habang 208 kaso ang pagtatalik ng lalaki sa babae.

Bukod sa pagtatalik, ang iba pang sanhi ng mga kaso ay ang transmisyon sa pamamagitan ng karayom na may apat na pasyente, transmisyon ng ina sa anak na may apat na kaso, habang 14 kaso ang inaalam pa.

Nakapagtala rin ng 211 nasawi sa nitong Hunyo, ayon pa sa ulat.

Higit sa kalahati o 773 ng mga kaso ay natukoy sa National Capital Region (NCR), 365 sa Calabarzon at 158 naman sa Central Luzon.

vuukle comment

HIV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with