^

Bansa

Trak na magdadala ng agri products sa Metro Manila, may discount sa Luzon toll

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Pinasalamatan ng Department of Agriculture (DA) ang iba’t ibang Tollway Operator sa Luzon sa pagkakaloob ng discount sa mga trak na magpapasok ng mga pagkaing agricultural tulad ng mga gulay, prutas, isda at iba pa sa Metro Manila mula sa mga lalawigan sa Luzon.

Ang Agri-Trucks Toll Rebate initiative ay bahagi ng napagkasunduan ng DA, Toll Regulatory Board, Department of Finance at Department of Transportation sa pakikipagtulungan ng Manila Cavite Expressway, North Luzon Expressway, Subic Clark-Tarlac Expressway, Muntinlupa Cavite Expressway, at South Luzon Expressway.

Mula sa June 1 ipaiiral ang naturang programa. Sa ilalim nito, ang mga DA-accredited truckers ay exempted sa nagdaang taas presyo sa halaga ng toll fees kayat ang babayaran lamang ng mga ito ay ang dating toll fee rates sa mga tollways sa Luzon.

Layunin ng programa na maibsan ang gastusin ng mga truck opertors na nagdadala ng mga agri products sa Metro Manila tuloy mababawasan ang halaga ng naturang mga bilihin oras na maihatid sa mga palengke at pamilihan sa Kalakhang Maynila.

“We’re very happy with the decision of President Ferdinand Marcos Jr. and DoTr to provide toll rebates for truckers. This move should help reduce price pressures on food products and ease the burden on consumers,” sabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr.

Binigyang diin pa ni Laurel na humahanap pa sila ng ibang paraan na maibaba ang presyo ng mga agricultural products sa mga pamilihan.

vuukle comment

DA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with