^

Bansa

Isa pang bagyo papasok ng PAR ngayong araw tatawaging 'Hanna'

James Relativo - Philstar.com
Isa pang bagyo papasok ng PAR ngayong araw tatawaging 'Hanna'
Naobserbahan ng PAGASA ang Severe Tropical Cyclone "Haikui" (international name) sa layong 1,465 kilometro silangan ng Dulong Hilagang Luzon bandang 10 a.m. ngayong araw.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Kung namromroblema pa sa Super Typhoon Goring ang hilaga at gitnang bahagi ng Luzon, isa pang bagyo ang tinatayang papasok ng Philippine area of responsibility pinakamaaga ngayong Miyerkules ng hapon.

Naobserbahan ng PAGASA ang Severe Tropical Storm "Haikui" (international name) sa layong 1,465 kilometro silangan ng Dulong Hilagang Luzon bandang 10 a.m. ngayong araw.

  • Lakas ng hangin: 110 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 135 kilometro kada oras
  • Direksyon: pahilaga
  • Pagkilos: 15 kilometro kada oras

"HAIKUI is forecast to move generally west northwestward or northwestward throughout the forecast period and may enter the Philippine Area of Responsibility (PAR) this afternoon," wika ng state weather bureau.

"Once inside the PAR, the domestic name 'HANNA' will be assigned to this tropical cyclone."

Ang ay nakikitang mananatiling malayo sa Philippine landmmass at maaaring lumabas ng PAR sa Biyernes ng umaga habang tinutumbok ang Ryukyu Islands.

Sa labas ng PAR region, nakikitang pipihit ang bagyo pahilagangkanluran o pahilaga hilagangkanluran sa ibabaw ng East China Sea.

"HAIKUI is forecast to become a typhoon within the PAR region and may reach its peak intensity on Friday as it approaches the boundary of the PAR," dagdag pa ng PAGASA.

"It is forecast to continuously intensify within the next 5 days."

Palalakasin din Habagat

Nakikitang mababa pa ang tiyansang makaapekto ito nang direkta sa bansa.

Sa kabila nito, maaaring patindihin ng bagyo ang Southwest Monsoon (Hanging Habagay) simula Huwebes.

Kung saka-sakali, ipagpapatuloy nito ang minsanan o 'di kaya'y monsoon rains sa ibabaw ng kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas sa nalalabing mga araw ng linggo.

HANNA

PAGASA

SEVERE TROPICAL STORM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with