2 kakandidato sa barangay election, tinodas
MANILA, Philippines — Patay ang dalawang barangay chairman nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek matapos na maghain ng kanilang kandidatura sa magkakahiwalay na lugar.
Sa lalawigan ng Albay, dead-on-the spot matapos mapuruhan sa ulo ang biktimang si Alex Enriquez Repato, 51, residente at chairman ng Brgy. San Jose, Libon.
Hindi naman nakilala ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo na mabilis na nakatakas.
Sa ulat, dakong alas-5:20 ng hapon nitong Lunes kakauwi pa lang mula sa centro-poblacion ng bayan si Repato makaraang mag-file sa Comelec ng kanyang certificate of candidacy para muling tumakbo sa darating na Brgy. at SK election. Habang nakatayo ito sa harap ng kanyang tindahan nang lapitan ng isa sa dalawang suspek at pagbabarilin.
Nakuha ng mga rumespondeng pulis sa lugar ang 10 basyo ng bala ng 9mm na baril. Hindi pa malaman kung may kaugnayan sa pagkandidato nito ang pamamaril sa biktima.
Nagsasagawa na ng follow-up investigation at hot-pursuit operations ang 1st Albay Provincial Mobile Force Company at Regional Mobile Force Batallion 5 para sa ikadarakip ng mga salarin.
Samantala isa pang kakandidato sa pagka-barangay chairman ang patay din sa pamamaril nitong umaga ng Martes sa Midsayap, Cotabato ang isang kakandidato sana sa pagka chairman ng isang barangay sa naturang bayan.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Haron Dimalanes dahil sa mga tama sa ulo mula sa kalibre .45 baril.
Si Dimalanes ay binaril sa municipal government compound habang pababa ng sasakyan upang mag-file sana ng certificate of candidacy sa pagka-chairman ng Malingao, isang liblib na lugar sa Midsayap.
- Latest