^

Bansa

‘Egay’ bahagyang lumakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Egay� bahagyang lumakas
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 685 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras at pagbugso na 90 km bawat oras.
PAGASA

MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang bagyong Egay habang kumikilos pakanluran sa may Philippine sea.

Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 685 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras at pagbugso na 90 km bawat oras.

Sa susunod na 12 oras, si Egay ay inaasahang lalakas bilang isang severe tropical storm at inaasahang maabot ang super typhoon category sa Martes o sa Miyerkules habang ang bagyo ay nasa Philippine Sea, silangan ng Extreme Northern Luzon.

Ngayong weekend ay palalakasin ni Egay ang habagat na magdudulot ng mga pag-ulan sa Western Visayas at Occidental Mindoro samantala sa Lunes ay inaasahan ang paminsan-minsang pag-ulan sa Western Visayas, Occidental Mindoro at northern portion ng Palawan kasama na ang Calamian Islands.

Mas malakas naman ang ulan sa matataas at bulubunduking lugar kayat posibleng maranasan ang pagbaha at rain-induced landslides.

Magdudulot din si Egay ng katamtaman hanggang sa maalong karagatan ng eastern seaboards ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao. Pinapayuhan ang maliliit na bangka dito na huwag papalaot dahil sa malalaking alon sa karagatan.

Ngayong Linggo, ang sentro ni Egay ay nasa layong 750 km silangan ng Virac.

vuukle comment

BAGYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with