^

Bansa

Villar: ‘Border facility’ kailangan kontra mga sakit mula imported agriculture products

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maiiwasan ang mga sakit na nakasasama sa ating agricultural sector sa pagtatayo ng border facility para busisiin ang imported meat, fisheries at iba pang agricultural products na pumapasok sa Pilipinas.

Sinabi ito ni Sen. Cynthia Villar nang pangunahan ang groundbreaking ceremony ng Commodity Examination Facility for Agriculture (CEFA) sa Angat, Bulacan kasama si Department of Agriculture Usec. Domingo Panganiban.

“This is the first, and we hope that we will be at the ground breaking ce­remonies of the other two more inspection facilities to be put up in Cebu and Davao,” ayon kay Villar, chairperson ng Senate committee on Food and Agriculture.

Aniya, isang ‘milestone’ sa bansa ang ground breaking at MOA signing para sa ating first border control facility.

Mababawasan din nito ang panganib ng mga sa­kit at iba pang potensiyal na banta. Magkakaroon din tayo ng mas ligtas na mga pagkain para sa consu­mers at mapoprotektahan ang kalusugan ng publiko.

Sa komprehensibong examination at inspection protocols, magiging mahalagang sandata ang CEFA upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa livestock.

Sinabi ni Villar na may ganitong pasilidad lahat ng ‘developed countries’ para palakasin ang food safety at quarantine, inspection regulations.

Agarang masusuri sa laboratoryo ang samples mula sa commodities na pinagdududahang may animal, fish o plant pests o mga sakit at iba pang panganib.

May crematorium din para matiyak ang ligtas na pagtatapon ng kumpirmadong agricultural commodities na may qua­rantine violations.

Makatutulong din ang border facility upang maiwasan ang agricultural smuggling dahil isasailalim sa 100% inspection ang farm commodities.

vuukle comment

AGRICULTURAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with