^

Bansa

DBSN walang quarrying permit – PENRO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi umano maa­aring mag-quarry at maghukay ng dumpsites sa Barangay San Joaquin sa Palompon, Leyte ang DBSN Farms Agriventures Corporation na umano’y pag-aari ni Mayor Ramon Oñate makaraang sabihin ng Provincial Environment and Natural ­Resources Office (PENRO) na wala ito ng mga kinakailangang permits.

Sa sertipikasyon mula sa PENRO nitong Hulyo 14, 2023, pinatunayan ni Officer-in-Charge Macarthur O. Flores na ang DBSN ay walang rekord para sa anumang inaplayang permit at wala ring aplikasyon,  “relative to any quarry operations” sa barangay San Joaquin.

Ang sertipikasyon ay kinilala ni Jose Raymund A. Acol, ang Assistant Provincial Legal Officer ng Leyte at Overall Supervising Team Leader ng PSAG Task Force.

Si Mayor Oñate ang pangulo at executive officer ng DBSN na mayroong 55,000 kapasidad ng manok sa planta nila sa Albuera, habang ang breeder farm sa San Joaquin, Palompon ay may 88,000 manok na kapasidad.

Ipinarating na ni Leyte Rep. Richard I. Gomez, sa House Committee on Environment and Natural Resources sa pamamagitan ng House Resolution No. 778, ang umano’y polusyon na kumakalat sa lupa, hangin at tubig sa sapa ng Albuera-Tinag-an na patungo sa Ormoc Bay.

Sa imbestigasyon ng House panel, nadiskubre ang umano’y pagbabaon sa lupa ng solid waste mula sa manok sa isang dumpsite sa Lot 5150 sa Barangay San Joaquin.

Ang dumpsite ay nasa loob ng perimeter ng Palompon Watershed and Forest Reserve na naitatag sa ilalim ng Proclamation 212 na inisyu ni dating Pangulong Corazon Aquino noon pang 1988.

Dahil sa mga natuklasang ito, ipinanukala ni Gomez ang paghahain ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman laban kina Mayor Oñate at misis niyang si Lourdes dahil sa paglabag umano sa mga environmental laws ng bansa.

Hinikayat rin niya ang House panel na maglabas ng ulat at konklu­syon ukol sa sumbong laban sa mag-asawang Oñate, kasama ang mga lokal na opisyal ng DENR regional office, at masampahan sila ng kasong paglabag sa ­Forestry Act at environmental management laws dahil sa polusyon sa kalikasan.

PENRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with