^

Bansa

Lider aktibista dinemanda SMNI hosts sa 'red-tagging'; P2.15-M danyos iginiit

James Relativo - Philstar.com
Lider aktibista dinemanda SMNI hosts sa 'red-tagging'; P2.15-M danyos iginiit
Kuha kina dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy (kaliwa) at Jeffrey “Ka Eric” Celiz (kanan)
Video grab mula sa Facebook page ng SMNI News

MANILA, Philippines — Pormal na naghain ng reklamo sa Quezon City Hall of Justice si Bagong Alyansang Makabayan chairperson emeritus Carol Pagaduan-Araullo kaugnay ng "tuloy-tuloy" na red-tagging sa kanya ng dalawang kontrobersyal na hosts ng SMNI News.

Kaugnay pa rin ito ng mga paratang sa kanya nina dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Loraine Badoy at self-confessed "NPA surrenderee" na si Jeffrey Celis, bagay na ipinakakalat sa publiko. Pareho silang SMNI hosts.

"I am filing today a civil damages lawsuit against Lorraine Badoy-Partosa and Jeffrey Celiz, two notorious redtaggers/terrorist labelers because they have incessantly and wantonly engaged in a vilification spree to demonize me and tar my good name and that of my organization, the Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)," wika ni Araullo ngayong Miyerkules.

"My purpose is to exact accountability for their false, baseless and malicious public statements against me so that they will stop this pernicious practice not only against me and other social activists but for many more who they have categorized as 'enemies of the state' because of their critical or oppositionist stance... to government policies or programs and crimes and abuses committed by persons in authority."

Ika-11 lang ng Hulyo nang sabihin ni Badoy na dapat na ring ma-"designate bilang terorista" sina Araullo sampu ng iba pang progresibong lider. 

Kilala sina Badoy at Celis sa pag-uugnay ng mga ligal na aktibista, personalidad at peryodista sa Communist Party-New People's Army (CPP-NPA) kahit na walang inilalatag na pruweba.

Paglabag sa Civil Code, danyos perwisyos

Ang demanda ay batay sa nasasaad sa Article 19, 20 at 21 ng Civil Code na nagpaparusa ng danyos para sa sinumang abusadong nagdudulot ng perwisyo at paninira sa kapwa.

Kasama sa demanda ni Araullo ang sumusunod:

  • nominal damages sa halagang P1 milyon para sa paglabag sa kaniyang mga karapatan
  • moral damages na P500,000 para sa "anguish, sleepless nights, wounded feelings" at "moral shock"
  • exemplary damages na P500,000 para sa "walang habas, mapanloko, mapang-api, at masamang ugali"
  • attorney’s fees na hindi bababa sa P150,000

Kung pagsasama-samahin, aabot ang hinihiling na danyos sa P2.15 milyon. Tutol ang grupong BAYAN sa kriminalisasyon ng libelo kung kaya't reklamong sibil ang inihain.

Ani Araullo, hindi na lang niya pinapansin ang dalawa noon lalo na't malinis daw ang kanyang track record bilang aktibista at pinuno ng BAYAN — isang alyansa ng sari-saring progresibong grupo gaya ng Anakbayan, Kadamay, Gabriela, Health Alliance for Democracy, Migrante, Alliance of Concerned Teachers, atbp.

Sa kabila nito, gumagawa na raw sila ng aksyon lalo na't paulit-ulit daw ang mga "kasinungalingan" sa SMNI News na siyang pagmamay-ari ni “Appointed Son of God” Pastor Apollo Quiboloy, na siyang wanted sa Estados Unidos dahil sa sari-saring reklamo ng child sex trafficking.

Wala pang pahayag sa ngayon sina Badoy at Celiz pagdating sa reklamo.

'Pati si Atom Araullo na-redtag'

Dagdag pa ni Araullo, nadadamay na rin daw ang kanyang anak na si GMA-7 reporter Atom Araullo sa isyu.

"Worse, not only myself, but the organization I lead as well as my son, journalist Alfonso Tomas 'Atom' Araullo, have become the targets of their incessant redtagging/terrorist labelling," wika pa ni Araullo.

"I am acutely aware that redtagging of others has resulted in extrajudicial killings and massacres, enforced disappearance, baseless searches of offices and residences, arbitrary arrest and detention on trumped-up cases including the draconian Anti-terrorism Law and many other forms of human rights violations."

"I may be less vulnerable than those in the rural areas, or those who are not as well-known, but the threats to my security and well being are no less real."

Matatandaang humaharap din sa patong-patong na kaso sina Badoy dahil sa mga nauna na niyang pinagtatawag bilang miyembro diumano ng CPP-NPA.

Kamakailan lang nang i-block ng YouTube ang opisyal na channel ng SMNI News kamakailan kaugnay pa rin ng kasong kinakaharap ni Quiboloy.

ACTIVISM

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

RED-TAGGING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with