^

Bansa

'Terminated': YouTube niligwak ang SMNI News ng FBI wanted na si Quiboloy dahil sa violations

James Relativo - Philstar.com
'Terminated': YouTube niligwak ang SMNI News ng FBI wanted na si Quiboloy dahil sa violations
Litrato ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy at ng SMNI News
Released/Sonshine Media

MANILA, Philippines — Tuluyan nang tinanggal ng Youtube mula sa kanilang online sharing platform ang channel ng kontrobersyal na SMNI News ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy, na una na ring na-terminate sa parehong site at sa TikTok.

Biyernes nang pumutok ang balitang hindi na mahanap sa Youtube ang opisyal na channel ng nasabing media entity, bagay na hindi na mapupuntahan kahit hanapin sa kanilang website.

"Winakasan ang account na ito dahil sa paglabag sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng YouTube.," paliwanag ng YouTube oras na dumiretso ka sa profile ng SMNI.

"Hindi na available ang video na ito dahil ang YouTube account na kaugnay sa video na ito ay itinigil na," paliwanag din ng YouTube oras na tangkain mong puntahan ang mga video na dating in-upload ng channel.

 

 

Ang screenshot na ito ay nakuha matapos i-click ang link sa YouTube ng SMNI News na pino-promote sa kanilang opisyal na website.

May kinalaman sa child sex trafficking charges 

Sinabi ng Google — ang parent company ng YouTube — sa panayam ng Philstar.com na may kinalaman ang pagkakabura sa mundong-ibabaw ng SMNI News ang sanctions ng Estados Unidos kay Quiboloy.

Google is committed to compliance with applicable US sanctions laws and enforces related policies under its Terms of Service. After review and consistent with these policies, we terminated the Laban Kasama ang Bayan, KOJC, & SMNI YouTube channels.

Matatandaang na-terminate ang YouTube channel at TikTok account ni Quiboloy matapos ireklamo ng netizens dahil sa kanyang pagiging wanted sa U.S. Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa kaso ng sex trafficking ng mga bata.

Kilala ang SMNI News sa pagkakaroon ng mga programang naging lunsaran ng red-tagging laban sa mga peryodista at ligal na aktibista maliban pa sa disinformation.

Si Quiboloy ay spiritual adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na binansagan ang sarili niyang "Appointed Son of God."

APOLLO QUIBOLOY

DISINFORMATION

RED-TAGGING

SMNI

TIKTOK

YOUTUBE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with