^

Bansa

‘No deal’ pa sa pagpasok ng Afghan nationals - Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
‘No deal’ pa sa pagpasok ng Afghan nationals - Marcos
File photo shows an Afghan family about to board a US Air Force aircraft in Kabul in 2021.
STAR / File

MANILA, Philippines — Wala pang ginagawang pakikipagkasundo si Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa Amerika para tanggapin sa bansa ang mga Afghan nationals.

Sa ambush interview kay Pangulong Marcos sa Parañaque City, sinabi nito na patuloy pang pinag-aaralan ang impact ng pagtanggap sa Afghan nationals.

“That is the proposal of the United States. We continue to study it. Let’s see if there’s a way we can do it without endangering security of the Philippines,” ani Marcos.

Kinilala ng Pangulo ang maraming isyu na kasangkot tulad ng seguridad, legal at logistic.

Bagama’t matagal ng tradisyon ng Pilipinas ang pagkuha ng mga refugee tulad ng ginawa nito noong World War II, sinabi ni Marcos na iba ang kaso ng mga Afghan national na sangkot.

“These are not refugees. They are an entirely different class of person. They are Afghan nationals who are being settled by the United States in the United States and other places. We are only going to be a transition area,” ani Marcos.

Sa pagbanggit sa mga opisyal ng Amerika, sinabi ni Marcos na ang mga gagamit sa Pilipinas bilang transit area ay hindi lalampas sa 1,000 indibidwal sakaling pagbigyan ang kahilingan.

Ang ilang grupo at mambabatas ay nagpahayag ng pagkabahala sa panukala, na sinasabi na ang mga Afghan national ay maaaring maging banta sa pambansang seguridad ng bansa

Matatandaang mismong si  US President Joe Biden ang humiling kay Pangulong Marcos na tanggapin ang Afghan refugees.

Ginawa ng dalawang lider ang pag-uusap nang magkaroon ng state visit si Pangulong Marcos sa Washington noong Mayo.

Sa panig ng Department of Justice, sinabi nito na pinag-aaralan pa ang legalidad ng pagtanggap ng Afghan nationals.

AFGHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with