^

Bansa

Jackpot winnings sa lotto lagpas P1-B na 'kahit first quarter pa lang ng 2023'

Philstar.com
Jackpot winnings sa lotto lagpas P1-B na 'kahit first quarter pa lang ng 2023'
Garma said the PCSO was able to secure preliminary clearances from the Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) and Department of Budget and Management.
STAR/File

MANILA, Philippines — Lumagpas na sa P1 bilyong papremyo ang napapalunan ng 26 jackpot winners ng lotto sa unang tatlong buwan pa lang ng 2023, ayon sa pinakahuling taya ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Miyerkules.

Sa pahayag ng PCSO kanina, sinabing pinaghatian ng mga nabanggit ang nasa P1,002,595,185.60 sa unang kwarto ng taon.

Narito sa ngayon ang kasalukuyang komposisyon ng mga nakasungkit sa pinag-aagawang jackpot prizes:

  • Mega Lotto 6/45: pitong kataong naghati-hati sa P154.04 milyon
  • Grand Lotto 6/55: anim kataong naghati-hati sa P311.35 milyon
  • Lotto 6/42: limang kataong naghati-hati sa P133.86 milyon
  • Super Lotto 6/49: limang kataong naghati-hati sa P194.71 milyon
  • Ultra Lotto 6/58: tatlong kataong naghati-hati sa P208.63 milyon

"Every time you play, you contribute to the country. Your 20.00 can significantly impact the lives of many, especially those who need medical assistance," wika ni PCSO general manager Melquiades Robles.

Umabot sa P142.58 milyon ang pinakamalaking jackpot prize na napalanunan ngayong taon, bagay na nagmula sa Grand Lotto 6/55 noong ika-7 ng Enero, 2023.

Sinasabing pinaghatian ito ng dalawang swerteng mananaya mula sa Calamba City, Laguna at Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.

Binati naman ni Robles ang lahat ng mga nanalo't hinikayat ang publiko na patuloy suportahan ang PCSO games lalo na't napupunta ang ticket sales sa Charity Fund ng ahensya. Ang perang nalilikom ay ginagamit para pondohan ang health programs at medical services ng PCSO.

Lahat ng mga papremyong umaabot ng P10,000 ay saklaw ng 20% sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at kinakailangang kubrahin sa loob ng isang taon matapos ang pagbola.

Ang mga papremyong hindi maiuuwi ay magiging bahagi ng PCSO Charity Fund alinsunod sa PSCO Charter (RA 1169). — James Relativo

LOTTERY

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

TAX REFORM ACCELERATION AND INCLUSION LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with