Sorbetes, halo-halo ibinoto papasok sa '50 best frozen desserts' sa mundo
MANILA, Philippines — Dalawang panghimagas ng mga Pinoy ang napasama sa "50 Best Rated Frozen Desserts in the World," ayon sa panibagong listahang inilabas ng TasteAtlas ngayong 2023.
Huwebes nang ilabas ang naturang mga ranggo. Nasungkit dito ng sorbetes ang ika-5 pwesto habang nasa ika-43 naman ang halo-halo.
"Sorbetes is a popular Filipino ice cream flavored with ingredients such as mango, chocolate, cheese, coconut, and purple yam (ube)," wika ng TasteAtlas sa kanilang artikulo.
"Traditionally, it is produced from carabao milk and served in tiny scoops on sugar cones. Some Filipinos like to consume it sandwiched between bread buns, like a hamburger."
Hindi ito "sorbet" gaya ng dessert ng mga Espanyol, ngunit isang "dirty ice cream." Ganito ang pabirong tawag dito lalo na't ibinebenta ito madalas sa kalsada sa mga cart.
Bagama't ganoon ang description ng Tasteatlas, mas primaryang sangkap nito ang gata ng niyog kaysa gatas at nakakuha ng 4.5 stars na ranking.
"The refreshing halo-halo (lit. mix-mix) is a summer dessert or a snack of mixed fruit and beans, topped with finely crushed ice and either milk or ice cream," dagdag pa ng kanilang website.
"Some of the most common halo-halo ingredients include bananas, jackfruit, coconut, sweet potatoes, red mung beans, chickpeas, sugar palm fruit, purple yam jam, leche flan, and - in recent times - even sweet corn or corn crisps."
Sinasabing nagsimula ang hal-halo matapos itong ibenta ng mga Hapon bago pa sakupin ang bansa noong 1940s. Madalas ding sabbihin ng ilan na kahalintulad ito ng "anmitsu," isang Japanese summer drink.
Ang TasteAtlas, ayon sa kanilang website, ay nagsisilbing "encyclopedia" ng iba't ibang lasa at tradisyunal na putahe sa iba't ibang panig ng daigdig, bagay na nakapag-catalogue na sa 10,000 pagkain at inumin. — James Relativo
- Latest