^

Bansa

Face to face classes, suspindihin kung super init - DepEd

Pilipino Star Ngayon
Face to face classes, suspindihin kung super init - DepEd
Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, ito ay alinsunod sa memorandum order na inisyu sa mga public at private school heads noong Abril 20.
Philstar.com / Gladys Cruz

MANILA, Philippines —  Maaaring magsuspinde ng face-to-face classes ang mga paaralan sa bansa at lumipat sa modular distance learning kung matindi ang init ng panahon at walang kuryente.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, ito ay alinsunod sa memorandum order na inisyu sa mga public at private school heads noong Abril 20.

Sinabi ni Poa na ang mga paaralan ay may otoridad at responsibilidad na suspindihin ang in-person classes at lumipat sa alternative delivery modes (ADM), sa panahon ng ‘unfavorable weather and environment’, gaya ng, ngunit hindi limitado sa, ‘extremely high temperatures’ na maaaring makaapekto sa pagdaraos ng classroom learning at maglalagay sa panganib sa kalusugan at kapa­kanan ng mga mag-aaral.

“Iba-iba po kasi ang si­tuation ng ating mga paaralan. Kaya school heads po ang magde-determine. Ayaw rin po nating makaapekto sa kalusugan ng ating mga learners ang napakainit na panahon, kaya po pinaalalahanan natin ang mga school heads na maaari silang mag-switch agad sa ADMs,” ayon pa kay Poa.

Nitong Huwebes, ang heat index sa Dagupan, Pangasinan at sa NAIA, Pasay City ay umabot sa 43°C.

Una na ring nagbabala ang PAGASA na makakaranas pa ng mas mainit na panahon ang bansa sa mga susunod na araw.

MICHAEL POA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with