Taga-Agusan del Norte solong nasungkit P27.97-M jackpot ng Superlotto 6/49
MANILA, Philippines — Isang swerteng mananaya mula sa probinsya ng Agusan del Norte ang instant milyunaryo na matapos tamaan ang P27.97 milyong packpot prize sa Superlotto 6/49 nitong Huwebes.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ngayong Biyernes, nakuha ng nasabing manlalaro ang sumusunod na kombinasyon kahapon: 48-19-10-17-47-49.
"One (1) winning ticket was bought in Santiago, Agusan del Norte," ayon sa PCSO kanina.
"All winnings should be claimed within one year from the date of the draw otherwise the same would be forfeited to form part of the Charity Fund."
Sa kabila ng lahat ng ito, hindi buong-buong makukuha ng lucky winner ang P27,978,266.40 na kanyang napalanunan.
Lahat ng papremyong lagpas sa P10,000 ay sakop ng 20% buwis alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.
- Latest