^

Bansa

Pinoy na walang trabaho umakyat sa 2.47-M, pero 'low quality jobs' kumonti rin

Philstar.com
Pinoy na walang trabaho umakyat sa 2.47-M, pero 'low quality jobs' kumonti rin
Farmers dry their rice crops in the middle of the sun at Brgy. Paligue in Candaba, Pampanga on April 1, 2023.
The STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Bahagyang nadagdagan ang mga Pilipinong walang trabaho sa bansa — ito kahit hindi nagbago sa 4.8% ang unemployment rate nitong Pebrero 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Matatandaang nasa 2.37 milyon ang walang trabaho  sa Pilipinas nitong Enero, panahon kung kailan 4.8% din ang unemployment rate.

"In February 2022, unemployment rate was higher at 6.4%," sabi ng PSA ngayong Martes matapos ilabas ang February 2023 labor force survey.

"In terms of level, the number of unemployed persons was 2.47 million out of 51.27 million Filipinos who were in the labor force in February 2023."

Sa naturang survey, lumabas ang mga sumusunod na mahahalagang mga numero:

  • unemployment rate: 4.8%
  • walang trabaho: 2.47 milyon
  • employment rate: 95.2%
  • may trabaho: 48.8 milyon
  • labor force participation rate: 66.6% (51.27 milyon)
  • underemployment rate: 12.9%
  • underemployed: 6.29 milyon

Ang labor force ay tumutukoy sa mga Pilipinong edad 15-anyos pataas na employed o unemployed.

Kapansin-pansing hindi nagbago ang employment rate sa 95.2%, ngunit nadagdagan ito mula sa dating 47.35 milyon lang.

"The number of underemployed persons or those employed persons who expressed the desire to have additional hours of work in their present job or to have additional job, or to have a new job with longer hours of work was recorded at 6.29 million," sabi pa ng PSA.

"This translates to an underemployment rate of 12.9%, which was lower than the reported underemployment rate in February 2022 (14.0%) and in January 2023 (14.1%)."

Services sector pa rin ang nagdo-domina sa labor market sa ngayon sa 59.6%. Samantala, 24.1% nito ay binubuo ng sektor ng agrikultura habang 16.3% naman ng total employed persons ang nasa industriya.

Nanggaling naman sa human health at social work activities nanggaling ang pinakamalaking pagbagsak sa bilang ng employed persons mula Pebrero 2022 hanggang Pebrero 2023 sa 129,000.

Kamakailan lang nang nang magpetisyon ang ilang manggagawa na itaas patungong P1,100 kada araw ang minimum na pasahod sa mga nasa Metro Manila.

Iba pa ito sa panukalang House Bill 7566 ni Gabriela Women's Party Rep. Arlene Brosas na planong dagdagfan ng P750 ang kasalukuyang aarwang minimum wage sa buong bansa. — James Relativo

ECONOMY

EMPLOYMENT RATE

JOBLESSNESS

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

UNEMPLOYMENT RATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with