^

Bansa

Tagalog — ika-4 na 'most spoken' na wika sa Amerika — ituturo na sa Harvard

Philstar.com
Tagalog — ika-4 na 'most spoken' na wika sa Amerika — ituturo na sa Harvard
A view of the campus of Harvard University on July 08, 2020 in Cambridge, Massachusetts. Harvard and Massachusetts Institute of Technology have sued the Trump administration for its decision to strip international college students of their visas if all of their courses are held online
Maddie Meyer/Getty Images/AFP Maddie Meyer / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, ituturo na ang wikang Tagalog sa isa sa pinakaprestihiyosong unibersidad sa buong mundo — ito habang nananatili ito bilang isa sa pinakaginagamit na paraan ng pananalita sa Estados Unidos labas sa Inggles.

Ito ang inihayag sa isang artikulo ng The Harvard Crimson, pahayagang pang-kampus ng mga estudyante ng Harvard University, na siyang inilathalata apat na araw na ang nakalilipas.

"Harvard will hire a preceptor to teach Tagalog, marking the first time the University will offer courses in the language," ayon sa naturang artikulo nitong Sabado (oras sa Maynila).

"The Department of South Asian Studies will hire three preceptors to teach Tagalog, Bahasa Indonesian, and Thai, for course offerings starting the 2023-24 academic year."

Ang preceptor ay isang instructor o guro.

Kasalukuyang itinuturo ang Thai at Indonesian sa Harvard, pero hindi itinuturo sa pamantasan ang Tagalog kahit pang-apat ito sa pinakaginagamit na wika sa Amerika.

Ayon sa US Census Bureau report na pinublish nitong Disyembre 2022, Tagalog ang ikatlong pinakaginagamit na wika sa Amerika maliban sa Inggles noong 2019.

Narito ang mga "language other than English" (LOTE) na pinakamadalas gamitin sa bahay sa United States of America:

  • Espanyol: 41.75 milyon
  • Chinese: 3.49 milyon
  • Tagalog: 1.76 milyon)
  • Vietnamese: 1.57 milyon
  • Arabic: 1.26 milyon

Ayon kay Executive Director Elizabeth Liao, nakakuha na ang Harvard University Asia Center ng financial support para sa posisyong magturo ng Tagalog. Magiging three-year term appointees daw kada preceptor at renewable hanggang limang karagdagang taon.

"We’re very excited and hopeful that these positions will be a game-changer in terms of the Asia Center’s long-term mission to build Southeast Asian studies at Harvard, as well as the university’s engagement with the region," sabi ni Liao sa isang email.

Nakakuha na raw ng $1-milyong pondo ang administrasyon mula sa Asia Center para i-fund ang Tagalog preceptor position. Pero ayon kay James Robson, propesor ng East Asian Language and Civilizations at direktor ng Asia Center, maaaring hindi raw maging sustainable ang funding na ito matapos ang tatlong taon.

Kasalukuyang walang Southeast Asian Studies department ang Harvard, bagay na "long-term mission" daw ngayon ng Asia Center, ani Liao. Nagbibigay ngayon ng isang course sa Pilipinas ang Faculty of Arts and Sciences nitong 2022-23 academic year, na isang survey course sa kasaysayan ng Southeast Asia.

Mahigit dalawang taon na raw sinusubukan nina Robson at ng Asia Center na damihan ang edukasyon patungkol sa Timogsilangang Asya sa Harvard.

"What I’m hoping is that if we can demonstrate that there’s demand for these languages and students show up and are excited about it, then hopefully we can also use this to convince the administration to further support Southeast Asian studies generally and language instruction in particular," ani Robson.

Lumalabas na "number two" sa world university rankings ng Times Higher Education para taong 2023 ang Harvard University. Nangunguna ang University of Oxford sa parehong listahan.

Filipino (hindi Tagalog) at Inggles ang mga pambansang wika ng Pilipinas. Bagama't dahan-dahang isinasama ang mga salita mula sa iba't ibang wika ng Pilipinas sa Filipino, kalakhan pa rin ng nilalaman nito ay halaw sa Tagalog. — James Relativo

vuukle comment

FILIPINO

HARVARD UNIVERSITY

LANGUAGE

TAGALOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with