^

Bansa

4 subway pa sa NCR, Cavite pinaplantsa ng Pinas, Japan  

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
4 subway pa sa NCR, Cavite pinaplantsa ng Pinas, Japan  
Ayon kay DOTr Secretary Jaime  Bautista, pinaplano ng magkabilang panig ang paglalagay ng dagdag na subway sa Metro Manila para maibsan ang matinding traffic dito.
DOTr

MANILA, Philippines — Pinaplantsa na ng Department of Transportation (DOTr) at Japan International Cooperation Agency (JICA) na magtayo pa ng dagdag na 3 hanggang apat na subway sa Metro Manila na mag-uugnay sa Cavite.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime  Bautista, pinaplano ng magkabilang panig ang paglalagay ng dagdag na subway sa Metro Manila para maibsan ang matinding traffic dito.

Sinabi ni Bautista na ang planong dagdag na subway ay ikokonekta sa Metro Manila Subway Project na kasalukuyang itinatayo sa NCR.

Anya, magsasagawa pa sila ng masusing pag-aaral hinggil sa naturang plano.

Inaasahan din ni Bautista na matapos ang Metro Manila Subway Project hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ang unang subway rail system project sa bansa na may 33 kilometrong haba at may 17 istasyon  ay bahagi ng  “Build Build Build” flagship infrastructure program ng nagdaang administrasyong Duterte.

JICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with