^

Bansa

Favoritism sa PhilMech, itinanggi

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ni Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) Director IV Dr. Dionisio Alvindia, ang napaulat na “favoritism” sa PhilMech.

Ayon kay Dir. Alvindia, ang bagong assigment ng walong PhilMech personnel sa mataas na position ay nararapat lamang dahil sila ang nakapagbigay ng mahusay at dekalidad na serbisyo sa kani-kanilang trabaho sa PhilMech para sa kanilang mga stakeholders.

Sinabi ni Dir. Alvindia, highly qualified at competent sa position ang walo sa kanilang bagong position bilang Deputy Director at Division chiefs at mula lahat ang mga ito sa PhilMech employees at may mataas na qualifications at pinag-aralan taliwas sa lumabas na report at alegasyon na taga-labas sila at hindi ga­ling sa PhilMech na walang karanasan sa larangan ng agrikultura.

Samantala, ang walo namang opisyal na pinalitan sa posisyon ay may nakabinbing kaso ng administratibo at sila rin ang dahilan ng pagkakaantala ng implementasyon ng mga proyekto sa PhilMech na magbibigay sana ng benepisyo sa milyon-milyung magsasaka sa bansa.

Inihayag pa ni Dir. Alvindia na ang kaganapan ngayon sa PhilMech ay bahagi ng programa ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr’s. na linisin at tanggalin ang mga corrupt, incompetent at negligent personnel sa alin man sangay ng pamahalaan.

vuukle comment

PHILMECH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with