^

Bansa

Bong Go sa barangay workers: Maraming salamat sa inyong serbisyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos manguna sa magkahiwalay na relief operations para sa mga biktima ng sunog at market vendors, kasama si Senator Ronald “Bato” dela Rosa ay dumalo naman si Senator Christopher “Bong” Go sa 2022 Cebu Provincial Year-End Summit and Recognition sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino para pasalamatan at papurihan ang mga manggagawa sa barangay.

Sa kanyang talumpati, kinilala ni Go ang mga manggagawa sa barangay sa kanilang dedikasyon at paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan, gayundin sa pagsisilbing tulay sa mga Pilipino upang maabot ang provincial at national government.

Kinilala rin niya ang naging papel ng mga ito sa pagtiyak na patuloy na makababangon ang kani-kanilang barangay mula sa pandemya.

Ayon sa senador, sinuportahan niya ang pagpapaliban ng barangay elections para mabigyan ng sapat na panahon ang barangay officials at SK leaders na ituloy ang kanilang mga proyekto at programa para sa kanilang mga nasasakupan.

Sa pagkilala sa sakripisyo at pagsusumikap ng mga manggagawa sa barangay, patuloy na isinusulong ni Go ang Senate Bill No. 197 na magbibigay ng Magna Carta para sa mga Barangay. Naghain din siya ng SBN 427 na nag-uutos sa pagbibigay ng allowance at insentibo sa mga barangay health workers.

Kung maisasabatas ang SBN 197, ang mga opisyal ng barangay ay ituturing na mga regular na empleyado ng gobyerno na karapat-dapat sa mga suweldo, emolument, allowance tulad ng hazard pay, representasyon at allowance sa transportasyon, 13th month pay at iba pang benepisyo na ibinibigay sa mga regular na empleyado ng gobyerno.

Kung maipapasa bilang batas ang SBN 427, isang buwanang allowance ang ibibigay sa lahat ng mga barangay health worker at sila ay karapat-dapat din sa security of tenure at iba pang benepisyo at pribilehiyo.

vuukle comment

BARANGAY

BATO DELA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with