^

Bansa

Pagpasa sa General Appropriations Bill, suportado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ni Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado ang pagkakapasa ng Kamara sa House Bill (HB) No. 4488, o General Appropriations Bill (GAB).

Ayon kay Bordado, malaking tulong sa  marginalized sector ang naturang pondo.

Pero hirit ni Bordado, dagdagan pa sana ang pondo na ipang-aayuda sa mga mahihirap.

Sa budget hearing sa pondo ng Department of Education’s (DepEd), nadiskubre ni Bordado sa pamamagitan ng kanyang interpellation na walang budget na nakalaan sa Special Children and Children with Disabilities Education.

Sa kabila ito ng pagtataas ng pondo ng DepEd sa P710 bilyon para sa 2023 mula sa P633.3-B pondo sa kasalukuyan.

Naniniwala si Bordado na ang mga nabanggit na programa ay malaking tulong sa mga mahihirap na pamilya lalo na ang mga mayroong special children at children with disabilities.

Nais din ni Bordado na ibalik ang P10-B budget cut sa panukalang P93 bil­yong budget para sa state universities and colleges (SUCs) sa taong 2023 para hindi maapektuhan ang 81 sa 116 SUCs.

Pinadaragdagan din ni Bordado ang pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para hindi maapektuhan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Dagdag pondo rin aniya ang kailangan para sa hindi naaprubahang P778-M budget sa public utility vehicle modernization program.

GABRIEL BORDADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with