^

Bansa

Totoo sila? Ilan sa 433 'jackpot' winners ng Grand Lotto nagpakita, kinuha premyo

James Relativo - Philstar.com
Totoo sila? Ilan sa 433 'jackpot' winners ng Grand Lotto nagpakita, kinuha premyo
Litrato ng ilan sa mga diumano'y kasama sa 433 nanalo sa nakaraang Grandlotto 6/55 draw nitong Sabado, bagay na ibinahagi ng PCSO ngayong ika-3 ng Oktubre, 2022
Mula sa Facebook page ng Philippine Charity Sweepstakes Office

MANILA, Philippines — Nagpaunlak ang ilan sa daan-daang "jackpot winners" ng nakaraang 6/55 Grand Lotto draw na personal na pumunta sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office — ang ilan sa kanila, ipinakita pa nang malapitan ang kanilang mga ticket.

Sabado lang nang umabot sa 433 ang sinasabing nanalo sa lotto draw ng PCSO, na siyang maghahati-hati sa P236.09 milyon. Dahil sa dami nila, marami tuloy sa ngayon ang pinagdududahan ang resulta at nais na itong paimbestigahan sa Senado.

"Dumating na sa tanggapan ng PCSO Main Office sa Mandaluyong City ang ilan sa 433 Jackpot Winners sa naganap na Grand Lotto 6/55 draw noong Sabado, October 1, 2022 upang kobrahin ang kanilang napanalunan," sabi ng PCSO sa isang paskil, Lunes.

"Ilan sa mga nanalo ang nagpaunlak na ipakita ang kanilang winning tickets sa naganap na Grandlotto draw 6/55 noong Sabado, October 1, 2022."

 

 

 

Ang winning combination noong araw na 'yon ay 09-45-36-27-18-54. At dahil napakaraming nanalo noong araw na 'yon, tig-P545,245 na lang ang iuuwi ng bawat isa sa kanila.

Ipinakita ng mga naturang mananaya ang kanilang mga ticket sa pag-asang mapatunayan na totoo silang mga mga tao at sadyang marami lang sa pagkakataong ito.

Una nang sinabi ni PCSO general manager Mel Robles na bukas sila sa imbestigasyon patungkol sa nangyaring pagbola, ngunit wala raw silang nakitang mali.

Ani Robles, "natural" na pangyayari na maraming mananaya ang may "inaalagaang" mga numero. Mas maganda na rin daw aniyang naipakalat ito sa mas maraming tao dahil sa malapit na ang holiday season.

Bagama't walang nilabas na pangalan ng mga nanalo, isiniwalat ng PCSO ang listahan ng mga probinsya kung saan sila nanggaling. 151 sa kanila ay galing sa Metro Manila.

Matatandaang sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino "Koko" Pimentel na susubukan nilang dinggin ang isyu sa Senado upang matiyak ang integridad ng lotto draws. Ganyan din naman ang sabi ni Sen. Risa Hontiveros.

"We just want rule out any doubts in the public mind that the results have been manipulated," sabi ng senadora.

"While we recognize that people tend to bet in patterns, we also want to make sure the system is secure, free from glitches, and trustworthy."

Anong sabi ng mathematicians?

Kanina lang din nang sabihin ni UP Institute of Mathematics Prof. Guido David na may 29 milyong kombinasyon sa anim na numerong kailangan sa naturang draw.

Ani David sa panayam ng TeleRadyo, kung tinayaan ng isang tao ang 29 milyong kombinasyong ito, mananalo siya nang isang beses. Kaso, napakaraming nakakuha nito.

"Kinompyut natin yung probability at napakaliit...Kung bibilangin natin ilang molecules sa buong mundo... mas kaunti," banggit pa niya.

"Kahit ilang bilyong taon na gagawin natin yung lotto, yung pagpupusta, parang hindi natin ine-expect na mangyayari itong ganito. Pero hindi naman naming sinasabing imposible."

Suportado naman niya ang mga panawagan sa imbestigasyon tungkol diyan.

Halos ganyan din ang nakita ng physicist at statistician na si Lloyd Cabañog sa kanyang paskil kahapon.

"I calculated the odds of that happening (solution in the photo) using the Poisson distribution and approximating the sum by an integral of the normal distribution and I found out that the odds of that happening is less than 1 in 10^700," sabi niya.

"And that is still assuming each filipino bought a ticket! There are only 10^80 atoms in the observable universe. This means that the chance of randomly choosing that reserved one atom (suppose there is) out of all 10^80 atoms is much much greater than the odds of 433 people winning 6-55 lotto at the same time."

"Either we observed an event last [Saturday] that is much unusual than the chance that life would exist out of random chaos in the universe (perhaps 1 in 10^200) or that there was a hocus pocus or talagang napaka swerte lng nilang lahat."

 

— may mga ulat mula sa News5

GUIDO DAVID

LOTTERY

PHILIPPINE CHARITY SWEEPTSTAKES OFFICE

RISA HONTIVEROS

SWEEPSTAKES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with