Pagkapanalo ng 433 bettors paiimbestigahan sa Senado
MANILA, Philippines — Paiimbestigahan ni Senate Minority leader Koko Pimentel ang umano’y “suspicious” na pagkakapanalo ng 433 katao sa Grand Lotto na binola nitong Sabado ng gabi.
Sinabi ni Pimentel sa panayam sa DzBB, na nakakapagtaka ang winning combination numbers na divisible by 9 na maaaring aksidente lamang, subalit ang 433 ang mananalo ay dapat ang tsansa na manalo ay ‘1 in many billions”.
Giit ni Pimentel, nangangahulugan umano ito na mahirap itong tamaan kaya kaduda-duda na mayroong 433 ang tumama dito.
Dahil dito, maghahain umano ng resolusyon si Pimentel para imbestigahan ang nasabing insidente at matanong ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kung may lucky pick ang naturang mga nanalo.
Nangangahulugan din umano ito na system generated ang number ng tumaya, kaya walang random ang kanilang lucky pick at nangangahulugan din ito na ibinigay nila ito sa 400 katao.
Ayon pa kay Pimentel, matagal na niyang napansin ang draw nila sa isang 6 digit na may 10 winners, na para sa kanya ang 2 winners ay bihira na kaya nakakapagtaka umano.
Sa pananaw pa umano ng Senador, katulad ng mga sugal sa casino maging ang POGO at lotto games na nasa Pilipinas ay dapat may integridad din ang PCSO at matanong ng mga tanong ng normal na tao.
Dagdag pa ni Pimentel na kailangan din umanong mag-imbita ng statisticians at professors upang hingin ang kanilang opinyon sa naturang usapin dahil marami ang nagtataka sa pagkapanalo ng may 433 katao.
“To get the 6 winning digits out of 55, that’s 1 out of 28,989,675 or 0.000003%,” ayon naman kay ABS-CBN Data Analytics head Edson Guido.
“Grabe ‘di ba, tapos 433 ang nakakuha,” anya pa.
- Latest