^

Bansa

Pilipinas kulang sa 106,000 nurses; 'deployment cap' sa pa-abroad nais ituloy

Philstar.com
Pilipinas kulang sa 106,000 nurses; 'deployment cap' sa pa-abroad nais ituloy
This photo taken on September 16, 2022 shows a nurse entering an intensive care unit for COVID-19 patients at a hospital in Manila.
AFP/Kevin Tristan Espiritu

MANILA, Philippines — Nangangailangan pa ng karagdagang 106,000 nurses ang Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH), ito sa gitna ng pangingibang-bayan ng mga mangagawang pangkalusugan na naghahanap ng mas magandang buhay.

"We have a shortage or a gap of around 106,000 para mapunuan natin 'yung mga facilities natin all over the country, both for public and private," wika ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Huwebes, sa isang media forum.

"Kailangan po namin ang tulong niyo sa ngayon para mag-continue po ang operations ng bawat facility dito sa ating bansa."

Hunyo 2022 lang nang sabihin ng grupong Filipino Nurses United na hindi kulang ang kanilang hanay sa Pilipinas. Gayunpaman, kulang-kulang daw ang tinatanggap nilang sweldo para sa kanilang trabaho at hindi nakasasapat sa pang-araw-araw. 

Kaugnay nito, layong ipagpatuloy ng DOH ang taunang deployment cap na 7,000 para sa new-hire medical professionals sa ibayong-dagat.

Maliban sa mga nars, nagkukulang din sa ngayon ang Pilipinas ng mga doktor, pharmacists, medical technologists, komadrona, physical therapists at mga dentista.

Kasalukuyang may 2,000 pang plantilla positions ang kagawan. Kasama raw dito ang 624 posisyon para sa mga nars, 1,332 para sa mga midwives at 63 para sa mga dentista.

"Hanggang sa kulang pa po ang produksyon ng ating bansa sa mga speciffic health-care workers professions na ito, sana po 'yung deployment cap natin ay manatili lamang sa ganun," sabi pa ng DOH official.

Naktakdang makipagkita ang kagawaran sa bagong tayong Department of Migrant Workers at Department of Labor and Employment patungkol sa pagbibigay ng karagdagang insentibo sa health workers na manatili sa Pilipinas.

Una nang sinabi ni national president Maristela Presto-Abenojar na Salary Grade 15 o P35,097/buwan ang mga nurse sa pampublikong sektor. Pero hindi raw lahat ng nabanggit ay nakukuha ito nang buo.

Sa ilang probinsya, 65% lang daw ng dapat nilang makuha ang kanilang kinikita. Bukod pa raw ito sa katotohanang 50% sa mga government nurses ang kontraktwal. — James Relativo

BRAIN DRAIN

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTHCARE WORKERS

MIGRATION

NURSE

SALARY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with