^

Bansa

'Sana okay siya': CHED chair dumistansya sa naarestong kapatid na CPP-NPA member kuno

James Relativo - Philstar.com
'Sana okay siya': CHED chair dumistansya sa naarestong kapatid na CPP-NPA member kuno
Litrato ni Commission on Higher Education chairperson Prospero de Vera III habang nasa Romblon, Hunyo 2022
Mula sa Facebook page ni Prospero de Vera III

MANILA, Philippines — Dumistansya ang pamunuan ng Commission on Higher Education (CHED) sa pagkakahuli ng isang miyembro diumano ng Communist Party of the Philippines-New People's Army-National Democratic Front of the Philippine (CPP-NPA) na siyang kamag-anak ng isa sa kanilang opisyal.

Huwebes kasi nang ianunsyo ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na naaresto sa Metro Manila ang "officer ng CPP-NPA-NDFP" na si Adora Faye de Vera — isang Martial Law survivor na kapatid ni CHED chair Prospero de Vera III. 

"As a sibling, I hope and pray for her safety and good health in detention as she faces the cases filed against her," ani Popoy sa isang pahayag, Biyernes.

"I have not seen her and I have not spoken to her for more than 25 years since she decided to rejoin the underground movement."

Paliwanag pa ng CHED chair, kaiba ang kanyang paniniwala sa babaeng kapatid at "hindi sinusuportahan ang kanyang mga nagawa."

Matatandaang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Prospero bilang pinuno ng CHED. Sinasabing ni-rape noon si Adora sa gitna ng "tactical interrogations" noong kasagsagan ng Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ayon sa Task Force Detainees of the Philippines.

"I fully support the administration of President Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. in its efforts to end the communist insurgency that has destroyed so many lived and property," ani Prospero.

"I will let the law take its court in resolving the charges against her."

Anong kaso?

Sa warrant of arrest na inilabas ng Iloilo City Regional Trial Court, sinasabing "multiple murder with the use of explosive with multiple frustrated murder" ang hinaharap ni Adora (alyas "Ka Arce").

Walang pisyansang inirerekomenda para sa kanya. Ibinahagi ng state-run media ang kanyang mug shoot dito.

Una nang sinabi ni Azurin na "staff officer" ng general command ng CPP-NPA-NDFP at secretary ng central front ng CPP-NPA Regional Committee – Panay si Adora.

Siya'y asawa diumano ni CPP-NPA central committee member Jessie Licura (alyas "Ren"). Una nang dinesignate bilang "terorista" ng Anti-Terrorism Council ang CPP-NPA-NDFP. Sa kabila nito, hindi iligal maging miyembro ng CPP matapos i-repeal ang Anti-Subversion Law.

Gayunpaman, kinikilala ng mga rebeldeng komunista ang sarili bilang mga rebolusyonaryo na lumalaban sa kontrol ng mga dayuhan sa Pilipinas, kawalan ng lupa at pagpapatakbo sa gobyerno bilang negosyo. — may mga ulat mula sa News5

BONGBONG MARCOS

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

MARTIAL LAW

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

NEW PEOPLE'S ARMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POPOY DE VERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with