Pangulong Bongbong Marcos at US Secretary of State, magpupulong
MANILA, Philippines — Makikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si US Secretary of State Antony J. Blinken ngayong Agosto.
Sa Agosto 6 magtutungo sa Maynila si Blinken upang makipagpulong kay Marcos Jr. at kay Secretary of Foreign Affairs Enrique Manalo upang talakayin ang mga bilateral efforts na palakasin ang alyansa ng Amerika at Pilipinas.
Inaasahang tatalakayin din ni Blinken ang COVID-19 pandemic, pakikipagtulungan sa ekonomiya, paglaban sa pagbabago ng klima, krisis sa Burma, at digmaan ng Russia sa Ukraine.
Kabilang din sa inaasahang tatalakayin ang pagpapalakas ng kooperasyon sa energy, trade, at investment, pagsusulong ng democratic values, at pandemic recovery.
Bukod sa Pilipinas magtutungo si Blinken sa Cambodia, South Africa, Democratic Republic of Congo, at Rwanda sa Agosto 2-12, 2022.
- Latest