^

Bansa

'Never mangyayari': Marcos ayaw kumasa sa one-on-one debate vs Robredo

James Relativo - Philstar.com
'Never mangyayari': Marcos ayaw kumasa sa one-on-one debate vs Robredo
In this photo taken on March 25, 2022, presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr, the son of late dictator Ferdinand Marcos, speaks to supporters during a campaign rally in Laoag City, Ilocos Norte province.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Hindi tinanggap na kampo ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang hamong one-on-one na debate ng katunggaling si Bise Presidente Leni Robredo — ito habang idinidiin nilang hindi ito mangyayari.

Biyernes lang kasi nang sabihin ni VP Leni na hindi siya tutuloy sa Comelec-KBP panel interview. Sa halip, inanyayahan niya ang karibal na si BBM — na hindi nagpupunta sa presidential debates maliban sa inihanda ng SMNI — sa isang debate.

"Sa debate na hamon kay presidential frontrunner Bongbong Marcos ay hindi ito kailanman mangyayari sa ilang kadahilanan. At batid ni Ginang Robredo ang mga kadahilanang ‘yan," wika ni Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Bongbong, kanina.

"Positibong pangangampanya at walang paninira ang gabay ng UniTeam ni Bongbong Marcos. At derecho sa taumbayan ang mga mensahe nito at ang panawagan ng pagkakisa. Pawang mga negatibo, panlilinlang at paninira naman ang sa kampo ng dilawan."

 

Sinasabi ito ng kampo ni Marcos kahit na pagkakataon sana ang mga debate para mailatag at mapag-usapan kung gaano kawasto ang kanilang mga plataporma. Lugar din ito upang masagot ang mga isyung kinakaharap ng mga kandidato.

Kilalang nahaharap sa isyu ng P203.8 bilyong estate tax ang pamilya Marcos, bagay na sinisingil pa hanggang ngayon ng Bureau of Internal Revenue. Bukod pa ito sa isyu ng diktadura ng kanyang amang si Ferdinand Marcos Jr. at kanilang nakaw na yaman, na kinikilala ng korte.

Dagdag pa ni Rodriguez, "malaking ginhawa" raw sa publiko ang makitang "kalmado lang" na nagkakampanya at hindi nag-aaway o nagsisiraan ang mga taong naghahangad na mamuno sa bansa.

Ibinabandera ng kampo nina Bongbong ang diumano'y "positibong pangangampanya," kahit na kasama ang kapatid niyang si Sen. Imee Marcos sa paggawa ng mapanuyang "Len-Len" videos kasama ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap. Sinasabing si Robredo ang kanilang pinatatamaan doon.

 

 

Bakit gusto makipagdebate ni Leni, Ka Leody?

Kanina lang nang sabihin ni VP Leni na iisang kandidato na lang sa pagkapresidente ang hindi pa humaharap sa taumbayan sa isang debate kasama ang lahat ng kandidato. Mahalaga raw sana ito upang masuri ng mga botante ang kumakandidato, at para mapagkumpara ang mga tumatakbo pagdating sa kanilang "vision at pagkatao."

"We owe it to the people and to our country," wika niya kanina.

"Kung papayag po kayo, anytime, anywhere, darating ako."

Sang-ayon naman si Ka Leody de Guzman, na kumakandidato rin sa pagkapresidente, sa swestyon ni Robredo na magharap-harap pa rin sa debate.

"Pero mas makabuluhan kung isasama tayo sa debate upang masiguradong hindi maisasantabi ang mga batayang isyu ng masa at mga konkretong solusyon para dito," sabi ng lider-manggagawa.

"'Yun ang exciting part para sa simpleng tao."

Matatandaang kinansela ng Comelec ang dapat sana ay huling pre-election debates at ginawa na lang itong panel interviews sa dahilang nagkaroon ng problema sa schedules at pagbabayad sa venue.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

DEBATE

LENI ROBREDO

LEODY DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with