Brownout sa halalan paghandaan – Win
MANILA, Philippines — Iginiit ni ni Senador Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) at mga power utilities na maglatag ng mga contingency measures para matugunan ang napipintong brownout lalo na pagdating ng eleksyon bunsod ng numinipis na suplay ng kuryente.
Ayon sa senador, isang solusyon ang Interruptible Load Program (ILP), kung saan pwedeng makakuha ng kuryente ang distribution utility (DU) sa mga kumpanyang may stand-by generation capacities upang maiwasan ang kakulangan sa kuryente.
Kailangan rin aniyang magsagawa ng monitoring ng maintenance schedule ng mga planta ng kuryente para maiwasan ang unscheduled outages.
“Ang gusto natin ay isang kasiguraduhan sa gitna ng babala ng iba’t ibang sektor hinggil sa numinipis na reserba ng kuryente na maaaring humantong sa panahon ng halalan at sa kasunod pang mga linggo. Dapat merong back-up plan kung sakaling pumalya ang mga planta na maaaring magpalala ng sitwasyon ng suplay. At dahil nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila at marami pang ibang lungsod, asahan na nating tataas ang konsumo ng kuryente,” ani Gatchalian.
- Latest