^

Bansa

Angkas barriers, 'sariling helmet' policy tatanggalin na sa Alert Level 1 areas

Philstar.com
Angkas barriers, 'sariling helmet' policy tatanggalin na sa Alert Level 1 areas
Litrato ng barrier na sinusuot ng aprubadong "barrier" design na ginagamit ng ride-hailing at motorcycle taxi service na Angkas sa maagang yugto ng COVID-19 sa Pilipinas
LItrato mula sa Department of the Interior and Local Government

MANILA, Philippines — Tatanggalin na ng motorcycle taxi at ride-hailing service na "Angkas" ang ilang COVID-19 preventive measures nito — na kinaiinisan ng mga pasahero — kasabay ng paglalagay ng Metro Manila at 38 iba pang lugar sa pinakamaluwag na Alert Level 1.

Kahit Nobyembre 2020 pa pinapayagan ang motorcycle taxis sa gitna ng community quarantines at Alert Level 2 pataas, kinakailangan noon magdala ng sariling helmet ng mga pasahero (pero may ilang 'di sumusunod dito). Maliban diyan, dapat may barrier sa pagitan ng nagmamaneho sa komyuter kontra COVID-19.

"Kami na bahala sa helmet mo [kapag Alert Level 1]. Para wala ka nang dala-dalang helmet pag nasa mall, mahirap lumandi pag ganon. You can still use your own helmet of course," ayon sa Facebook post ng Angkas, Miyerkules.

"THE BARRIER/SHIELD WILL NOT BE USED ANYMORE. It's about time sizt, sa wakas."

Wala pa namang pahayag ang motorcyle-taxi services na JoyRide at Move It kaugnay ng pagtanggal ng additional requirements.

Inirereklamo nang maraming pasahero ang mga nabanggit na polisiya noon ng gobyerno sa motorcycle taxis lalo na't humahampas-hampas sa mukha nila ang mga shield habang bumabiyahe.

Ngayong wala na ang kontrobersyal na mga requirements, pabirong napa-"Goodbye, you little shit," na lang ang animated driver sa public service announcement ng Angkas sa kanilang social media page.

Bukod pa rito, sariling gastos pa ng pasahero ang motorcycle helmets, bagay na libu-libo ang halaga.

Bilang pasasalamat, bibigyan naman ng P40 discount ng Angkas ang kanilang mga parokyano para sa dalawang biyahe hanggang ika-3 ng Marso gamit ang promo code na NEWNORMAL.

Enero 2020 lang nang ipatupad ng technical working group ng Department of Transportation ang pagpayag sa mga motorcycle taxi services sa Metro Manila, Metro Cebu at Cagayan de Oro sa pamamagitan ng isang pilot testing. — James Relativo

ANGKAS

BARRIER

HELMET

MOTORCYCLE TAXI

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with