^

Bansa

Metro Manila, 38 iba pang lugar ilalagay sa Alert Level 1 simula Marso

Philstar.com
Metro Manila, 38 iba pang lugar ilalagay sa Alert Level 1 simula Marso
A passenger (C) sits inside a tricycle covered with a reminder to wear a mask, part of the Covid-19 health protocols, in Manila on February 16, 2022.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Ilalagay na ang National Capital Region (NCR), at 38 pang lugar sa pinakamaluwag na Alert Level 1 simula Martes, ika-1 ng Marso, kasabay ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Inanunsyo ito matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang nabanggit ngayong Linggo.

Maliban sa Kamaynilaan, damay sa ilalagay sa naturang alert level ang:

  • Abra
  • Apayao
  • Baguio City
  • Kalinga
  • Dagupan City
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Batanes
  • Cagayan
  • City of Santiago
  • Isabela
  • Quirino
  • Angeles City
  • Aurora
  • Bataan
  • Bulacan
  • Olongapo City
  • Pampanga
  • Tarlac
  • Cavite
  • Laguna
  • Marinduque
  • Puerto Princesa City
  • Romblon
  • Naga City
  • Catanduanes
  • Aklan
  • Bacolod City
  • Capiz
  • Guimaras
  • Siquijor
  • Biliran
  • Zamboanga City
  • Cagayan de Oro City
  • Camiguin
  • Davao City

Epektibo ang mga naturang alert level systems mula Martes hanggang ika-15 ng Marso, 2022.

Ika-23 lang nang Pebrero nang irekomenda ng 17 alkalde ng Metro Manila na ilagay sa Alert Level 1 ang nasabing rehiyon.

Una nang sinabi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na "hinog" na ang NCR na mailagay sa pinakamaluwag na COVID-19 restrictions ang Kamaynilaan.

Sa ilalim ng Alert Level 1, papayagan na ang lahat ng aktibidad at lahat ng establisyamento sa 100% capacity, ngunit kailangan pa ring sumunod sa minimum public health standards.

Sa kabila nito kakailanganin pa rin sumunod sa minimum public health standards ang mga residente sa mga nabanggit na lugar gaya na lang ng pagsunod sa physical distancing at pagsusuot ng face masks. — James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH

IATF

METRO MANILA

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with