P50 bilyong Navy deal pinababawi ng VACC
MANILA, Philippines — Hiniling ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na isantabi muna ng gobyerno ang pagbili ng mamahaling mga armas ngayong nahaharap ang bansa sa napakaraming problema.
Ang tinutukoy ni VACC president Arsenio Evangelista ay ang pagbili sa P30 billion OPV vessels at P18.9 billion BrahMos missiles ng Philippine Navy.
Ito’y sa gitna na rin umano ng kalagayan ng milyong Pilipinong hinagupit ng bagyong ‘Odette’ sa Visayas at Mindanao.
“Then, all of a sudden, we find out that the Department of Budget and Management released initial funds for P50 billion worth of defense projects that may be reset to 12 months later. Only somebody way up in Malacañang can order the fund release,” ani Evangelista.
Naniniwala si Evangelista na kailanman ay hindi bibigyang prayoridad ng Pangulo ang pagpapalabas ng pondo para sa nasabing proyekto, lalo na’t inanunsyo nitong ubos na ang pondo ng gobyerno.
Pagbibigay-diin ni Evangelista na sa ganitong sitwasyon, napakahirap i-justify ng pagbili sa nakapamahal na barko ng Navy, at hypersonic missiles na hindi naman magagamit laban sa Chinese Navy.
“We are not putting any blame on Secretary Lorenzana. No responsibility is being put on the good men and women of the AFP. We are demanding accountability from the interest groups who pushed for these midnight deals, and caused the release of the funds, at a time of pandemic and disaster. The manner by which these funds were suddenly made available and released smacks of a repeat of the Pharmally deals,” ayon pa kay Evangelista.
Sinabi rin ni Evangelista na ilang araw bago ang pananalasa ni ‘Odette’ ay naglabas ang DBM ng P3.75 billion bilang downpayment sa dalawang barko.)
- Latest